Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees.
Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15.
Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.
“Meron na pong ilang eskwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment po ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon na pong ilang nag-report sa CHED,” ani De Vera.
“Ang problema po, wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we’re only crafting it,” dagdag na pahayag nito.
May ilan aniyang private schools at local governments ang nalilito sa kung ano ang kanilang gagawin ukol sa pagpasok sa mga lugar na walang internet connection.
“Pero humihingi ho ko ng guidance ‘yung mga private schools, in particular, atsaka local governments kasi hindi ho nila alam ang gagawin lalo sa mga area na wala talagang internet connection,”aniya pa rin.
Nauna rito, ipinanukala ni De Vera na i-delay o iurong sa second semester ang klase na kailangan ang person-to-person interaction. (Daris Jose)
-
Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon
DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong […]
-
Philippians 2:10
At the name of Jesus, every knee must bend.
-
Pinoy boxer Michael Dasmariñas todo na ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach
Agad na sinimulan ni Filipino boxer Michael Dasmariñas ang kaniyang ensayo sa ilalim ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California. Nasa huling yugto na kasi ng kaniyang paghahanda ang Filipino boxer para sa laban niya kay IBF at WBA Super World bantamweight champion Naoya Inoue na gaganapin sa […]