British boxer Amir Khan, interesadong makalaban si Dela Hoya
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
Nagpahapyaw si British boxer Amir Khan sa ambisyon niya na makaharap din si retired boxing legend Oscar Dela Hoya.
Sa pamamagitan ng kaniyang social media, nag-post ito ng larawan na kasama ang dating Mexican champion.
OSCAR DELA HOYA
Sinabi nito na interesadong bumalik sa boxing si Dela Hoya at interesado rin siyang makalaban ito.
Maraming mga boxing fans naman ang kumagat sa nasabing potensiyal na paghaharap ng dalawa.
Magugunitang matapos ang pagkatalo nito kay Manny Pacquiao noong 2008.
Noong Hunyo ay nagpahiwatig ang tinaguriang 42-anyos na “Golden Boy” ng pagbabalik sa boxing gaya umano nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.
Huling lumaban naman ang 33-anyos na si Khan ay noong June 2019 nang mapatumba niya si Billy Dib.
-
Pagbawi sa moratorium sa oil at gas exploration sa WPS, pag-exercise lang ng sovereign rights ng Pilipinas
SINABI ni Energy Secretary Alfonso Cusi na in- exercise lamang ng Pilipinas ang sovereign rights nito nang bawiin ng pamahalaan ang moratorium sa oil at gas exploration sa tinaguriang resource rich West Philippine Sea, pinagtatalunang teritoryo. Ani Cusi, ang pagbawi sa ban ay hindi nakapagpahina sa posisyon ng bansa sa maritime dispute. “This […]
-
Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea
NAKIISA ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena sa ginawang paglulunsad ng North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan. Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng Asia Zero […]
-
2 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Calatagan ang dalawang mangingisda ng tumaob na motorbanca sa baybaying tubig ng Cape Santiago Light Station sa Calatagan, Batangas. Ayon kay PCG Station Batangas Commander, Captain Geronimo Tuvilla, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Vessel Traffic Monitoring System (VTMS) – Batangas na may iniulat na tumaob […]