• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

British boxer Amir Khan, interesadong makalaban si Dela Hoya

Nagpahapyaw si British boxer Amir Khan sa ambisyon niya na makaharap din si retired boxing legend Oscar Dela Hoya.

 

Sa pamamagitan ng kaniyang social media, nag-post ito ng larawan na kasama ang dating Mexican champion.

 

OSCAR DELA HOYA

 

Sinabi nito na interesadong bumalik sa boxing si Dela Hoya at interesado rin siyang makalaban ito.

 

Maraming mga boxing fans naman ang kumagat sa nasabing potensiyal na paghaharap ng dalawa.

 

Magugunitang matapos ang pagkatalo nito kay Manny Pacquiao noong 2008.

 

Noong Hunyo ay nagpahiwatig ang tinaguriang 42-anyos na “Golden Boy” ng pagbabalik sa boxing gaya umano nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.

 

Huling lumaban naman ang 33-anyos na si Khan ay noong June 2019 nang mapatumba niya si Billy Dib.

Other News
  • Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM

    DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.     Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.” […]

  • PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE

    BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.   “It is for this reason that the PSC, for the longest time, […]

  • Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang

    MAY paghahanda nang ginagawa ang  of Education (DepEd) para sa  limited face-to-face classes.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng  bawal pa rin ang nasabing  set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.   Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase […]