• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brooklyn Nets pasok na sa NBA semifinals matapos ilampaso sa Game 5 ang Celtics

Pasok na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos ilampaso sa Game 5 ang Boston Celtics, 123-109.

 

 

Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1.

 

 

Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks.

 

 

Walang patawad na muling nagsama sa opensa ang Big Three ng Nets upang tapusin na rin ang kampanya ng Celtics.

 

 

Nanguna si James Harden na may 34 points, 10 rebounds at 10 assists sa kanyang unang postseason triple-double, habang si Kyrie Irving naman ay umiskor ng 25 points at si Kevin Durant ay nag-ambag ng 24 puntos.

 

 

Ang Game 1 ng Nets laban sa grupo ni reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ay magaganap sa araw ng Linggo sa teritoryo ng Brooklyn.

 

 

Ito ang unang pangyayari na muling makakatikim sa semifinals ang Brooklyn Nets mula pa noong taong 2014.

 

 

Samantala, sa Celtics si Jason Tatum ay pumuntos ng 32 at may nine rebounds.

 

 

Minalas pa rin ang Celtics, na umabot sa Eastern Conference finals noong nakaraang taon, dahil sa kawalan pa rin nina Jaylen Brown at Kemba Walker na kapwa may injuries.

Other News
  • POGO ‘one big happy Pharmally’ – Hontiveros

    NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may ugnayan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pharmally.       Sa huling pagdinig ng Senado, napa “oh my, God” si Hontiveros matapos na lumabas na kung sinu-sino ang key players na nasa likod ng kontrobersyal na umano’y POGO ni Guo […]

  • QC MAYOR JOY, POSITIBO SA COVID-19

    Sa Facebook post ng Quezon City Government kahapon, July 8 ay nagbigay ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte ukol sa resulta ng kanyang Covid-19 test. Narito ang kanyang nagging pahayag.   “Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat […]

  • Alegasyon ni dating DepEd Usec. Mercado, pinalagan ni VP Sara

    PINALAGAN at sinagot na ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon sa kanya ni dating DEPED Undersecretary Doctor Gloria Jumamil-Mercado. Sa press briefing sa Office of the Vice President (OVP), mariing itinanggi ni VP Sara ang mga alegasyon ni Mercado at tinukoy ang iba’t ibang bersyon kung bakit pinalayas ito sa DepEd.   Ibinunyag […]