Brutal na pagpatay sa enforcer ng Navotas, kinondena ni Mayor Tiangco
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
KINONDENA ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang ginawang brutal na pagpatay sa isa sa mga traffic enforcers ng Navotas City na isa ring Philippine Navy reservist.
Sinabi ni Mayor Tiangco na nais niyang maparusahan ng batas ang mga na sa likod ng karumaldumal na krimen.
“I condemn in the strongest possible terms the murder of Oliver Ignacio, one of the City’s traffic enforcers. I urge our law enforcement officers to capture the perpetrators soon. This senseless disregard for human life should be meted out with the punishment it deserves” pahayag ni Mayor Toby.
Nagpaabot din ang alkalde ng kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Ignacio. Aniya, nawa’y bigyan sila ng Diyos ng lakas sa panahong ito ng kalungkutan.
“I am deeply saddened and en- raged by the murder of one of the City’s traffic enforcers, Oliver Ignacio” ani naman Cong. Tiangco.
“I pray that justice may pre- vail and served to the evildoers of this heinous and deplorable crime. I likewise extend my heart- felt condolences to the family of Mr. Ignacio and all who suffer and grieve with them” pahayag na pakikiramay ng mambabatas.
Si Ignacio ay sapilitang dinukot ng mga armadong lalaki na nagpanggap na mga pulis at sakay ng isang itim na Mitsubishi Monetro bandang alas-4:45 noong Huwebes ng hapon sa harap ng Navotas City Impounding Area sa C-4 Road, Brgy. BBN.
Dakong alas-6 kinaumagahan nang matagpuan ang pugot na ulo ng biktima na nakasilid sa styro box sa kanto ng Florentino Torres at Soler Sts. sa Sta Cruz Manila habang patuloy namang sumisigaw ng hustisya ang kanyang pamilya. (Richard Mesa)
-
LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1
MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1). Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading […]
-
Transport groups atras muna sa taas pasahe
UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and […]
-
Explore the magical world of Wicked in Jon M. Chu’s cinematic adaptation, arriving in PH cinemas
THE magic of Oz is coming to life! Universal Pictures unveils an exciting behind-the-scenes look at Wicked, the cinematic adaptation of the beloved stage musical, giving fans a peek into the journey of bringing this spellbinding story to the big screen. Set to premiere in Philippine cinemas on November 20, Wicked promises a breathtaking, immersive […]