• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BTS sa Kongreso

Nagsanib puwersa sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at anim na kaalyadong mambabatas nito para magbuo ng grupo o bloc sa kamara na tinawag nilang “BTS sa Kongreso,” base sa isang sikat na South Korean boyband.

 

Isang media event ang ginanap kahapon January 14, Huwebes  sa Quezon City para sa paglulunsad ng naturang grupo na inaasahang magsisilbing boses sa mga isyu at polisiya ni Speaker Lord Allan Velasco.

 

Ang grupo ni Cayetano, tulad ng pinaggayahang pangalan ng boy band ay kinabibilangan nina Camarines Sur Rep, Luis Raymund Villafuerte Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado at Capiz Rep. Fredenil Castro.

 

Sina Villafuerte, Fernandez, Abu, at Castro ay nagsilbing mga deputy speakers sa ilalim ng liderato ni Cayetano habang sina Sy-Alvarado at Defensor ay nagsilbing chairman naman ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Public Accounts.

 

Kung matatandaan noong 17th Congress, binuo ng pitong mambabatas ang isang independent bloc matapos pagtalunan ang usapin sa minority leadership na tinawag nilang “Magnificent 7,” base sa titulong ng pelikula noong 2016 na pinagbibidahan ni Denzel Washington.

 

Noong 1999, binuo naman ng mga nakababatang kongresista ang ‘spice boys’ na kritikal sa dating pangulong Joseph Estrada, na katapat sa kilalang British girl group na Spice Girls kung saan miyembro din noon si Defensor.

 

Ang grupong BTS o kilala bilang Bangtan Boys ay binuo noong 2010 at kinabibilangan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook.  (ARA ROMERO)

Other News
  • Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

    ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.     Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite […]

  • Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado

    BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re­belasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.     “Itanong natin ‘yan sa […]

  • MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test

    Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing.       Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. […]