• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLOE, aminadong mapangahas ang role sa ‘Silab’; MARCO, parang young RICHARD GOMEZ

INILULUNSAD bilang ganap na bituin si Cloe Barreto, talent ng 3:16 Talent Management at bida sa Silab, ang bagong sex drama offering ng film outfit ni Madam Jenilyn Carrillo.

 

Sa isang pocket presscon for her and leading man Marco Gomez, sinabi ni Cloe na handa na siya to do all the demanding drama and sexy scenes na ipinagawa sa kanya ni direk Joel Lamangan.                                  

 

Aminado si Cloe na mapangahas ang role niya sa Silab pero hindi naman daw siya nagdalawang isip dahil this is a big break for her.

 

Hindi nga raw siya nakatulog the day before her first shooting day dahil sa excitement. Hindi kasi akalain ni Cloe na magbibida na siya sa pelikula at si Joel Lamangan pa ang kanyang director.                                      

 

“Nagulat talaga ako when I was told na bida na ako sa Silab,” wika ng 20-year-old acting newbie.

 

“Pero siyempre masaya ako at excited kasi nabigyan ako ng ganito kalaking project.”                

 

At kahit na maraming sexy and provocative scenes si Cloe sa movie, wala siyang takot na sumabak sa mga ito.                                        

 

“This is a big break for me. Not everyone gets this chance kaya lahat nang mga ipinagawa sa akin ni Direk Joel ay ginawa ko lahat. I gave my all kasi launching film ko ito.”                             

 

Isa pang ikina-excite ni Cloe sa Silab ay nakatrabaho niya si Jason Abalos, na crush niya. They play husband and wife sa movie na ang script ay isinulat ni Raquel Villavicencio.    

 

Nag-usap nga raw sila Marco na kapag daw kukunan na ang mga maseselan na eksena ay dapat seryoso sila para one take lang. Siyempre ayaw naman daw nilang mapagalitan ni Direk Joel.

 

Excited na nga si Cloe na mapanood sa sinehan ang Silab. And flattered siya dahil pinuri ni Direk Joel ang acting niya. Parang hindi siya baguhan sa acting, sabi ng director.

 

Matagal nang pangarap ni Cloe na mag-artista. Former member ng That’s Entertainment ang kanyang ama pero hindi nito ipinagpatuloy ang pag-aartista.

 

Supportive naman ang daddy niya sa dream niya to be in showbiz dahil parang siya na ang magpapatuloy ng short-lived showbiz career nito.

 

***

 

MALAKAS ang dating ni Marco Gomez.

 

He reminds of the young Richard Gomez, yung time na baguhan pa si Goma.

 

For the longest time ay sa Vienna, Austria nakatira si Marco. Pero matagal na niyang pangarap na makarating ng Pilipinas and try his luck sa showbiz.

 

Member siya ng all-male group na Clique 5. Beterano na rin siya ng iba’t-ibang acting workshop since he came to the Philippines. Marami na rin siyang acting experience on TV pero biggest break niya as an actor ang Silab.               To prepare for his role ay panay ang workout niya. Most of the time daw kasi ay naka-topless siya sa pelikula.

 

Since hindi pa siya masyadong mahusay na mag-Tagalog, kinakausap daw niya lagi si Direk Joel guide him sa kanyang acting. Gusto raw niya tamang emosyon ang kanyang maipapakita sa bawat eksena.                                        Katatapos lang ng principal photography ng Silab last week sa choice locations sa Pampanga at Lian, Batangas.

 

Bigay na bigay si Marco sa kanyang mga eksena. Siyempre ayaw niyang masayang ang maghandang break na dumating sa kanya.

 

Hindi sa lahat nang pagkakataon ay may producer na susugal sa mga newcomers at bibigyan ang mga ito ng solo movie. (RICKY CALDERON)  

Other News
  • Pinadalhan na ng demand letter ng abogado ng media workers: PAOLO, patuloy na kakasuhan dahil ‘di pa nakikipag-settle sa financial obligation

    PATULOY ang pagsampa ng kaso kay Paolo Bediones dahil hindi pa rin daw ito nakikipag-settle sa financial obligation niya sa higit na 116 media workers.     Pinadalhan na raw ng demand letter si Bediones ng abogado ng media workers.   Sa isang pinadalang statement ni Bediones, sinabi nito na fully aware daw ang kanyang […]

  • 1 Thessalonians 5:15

    Always seek to do good to one another and to all.

  • State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19

    NAKATAKDANG  isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom.     Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng […]