• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies

NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies.

 

 

Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na No. 3 sa Western Conference.

 

 

Inilista ng Bucks ang 14-point lead sa halftime bago nakalapit ang Grizzlies sa 111-114 agwat sa huling 2:32 minuto ng fourth quarter sa likod ni star guard Ja Morant.

 

 

Nagsalpak naman si George Hill ng dalawang free throws  habang kumamada si Antetokounmpo ng sariling 6-0 atake para ilayong muli ang Milwaukee sa 122-111 bentahe.

 

 

Nag-ambag si Khris Middleton ng 27 points at may tig-14 at 13 markers sina Hill at Bobby Portis at Pat Connaughton, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa Chicago, humataw si DeMar DeRozan ng 30 points para akayin ang East-leading Bulls (28-15) sa 117-104 pagsuwag sa Cleveland Cavaliers (27-19) at wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

 

 

Sa Dallas, nagtala si Luka Doncic ng season-high 41 points at 14 rebounds sa 102-98 paggiba ng Mavericks (26-19) sa Toronto Raptors (21-21) para sa kanilang ikaapat na sunod na arangkada.

 

 

Sa Philadelphia, dinuplika ni Joel Embiid ang kanyang career high na 50 points sa 123-110 dominasyon ng 76ers (26-18) sa Orlando Magic (8-38)

 

 

Sa Miami, umiskor si reserve Caleb Martin ng 26 points para tulungan ang Heat (29-16) sa 104-92 panalo sa Portland Trail Blazers (18-26).

 

 

Sa iba pang laro, lusot ang Brooklyn Nets sa Washington Wizards, 119-118; dinaig ng Atlanta Hawks ang Minnesota Timberwolves, 134-122; wagi  ang Houston Rockets sa Utah Jazz, 116-112; at tinalo ng Charlotte Hornets ang Boston Celtics, 111-102.

Other News
  • Guadiz, posible pa ring masibak mula sa LTFRB

    POSIBLE pa rin umanong masibak sa puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman ­Teofilo Guadiz III, kung mapapatunayang guilty siya sa mga alegasyon ng korapsyon.     Ito ang naging tugon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos na matanong kung maaari pa bang muling ma-dismiss si Guadiz mula sa […]

  • Ilang kawani ng PDEA nahulian ng P9-M halaga ng droga

    ARESTADO  ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.     Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.     Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na […]

  • Wala ng aktibong NPA guerrilla fronts sa Pinas

    WALA ng aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts sa Pilipinas.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resulta ito ng matagumpay na pinaigting na kampanya ng administrasyon laban sa internal threats.     Sa isang video na in- upload sa kanyang social media accounts, araw ng Sabado, Enero 13, pinuri ni Pangulong […]