BuCor officer itinumba sa Muntinlupa
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
POSIBLENG may kinalaman sa personal cases ang nangyaring pananambang sa isang suspendido at dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinagbabaril sa lungsod ng Muntinlupa City, kahapon, Pebrero 19, Miyerkules ng hapon.
Kaya walang dapat na ika-alarma ang pamahalaan sa insidenteng ito.
“Siguro mga personal cases ‘yun, pag mga ganung tambangan puro personal ‘yun, kung may personal siyang atraso sa isang tao eh talagang tatambangan nga siya, ganun talaga pero hindi naman alarming,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Batay sa ulat ng Muntinlupa City police, tinambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang biktimang si Fredric Anthony Santos sa harap ng Southernside Montessori School sa Katihan Street sa Barangay Poblacion dakong 1:50 ng hapon.
“ Susunduin na sana ng biktima ang anak niyang babae sa eskwelahan. Bago dumating sa lugar ng insidente, dalawang hindi pa kilalang lalaki ang bumulaga at pinagbabaril siya nang malapitan,” sabi ng isang witness.
Agad namatay si Santos matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, ayon sa Muntinlupa Rescue Team.
Matatandaang nailagay sa kontrobersiya ang pagpapatupad ng GCTA law, na nag-aawas ng sentensiya sa mga preso, matapos maisiwalat na ibinebenta ito ng ilang opisyal.
Karaniwang iginagawad ang GCTA sa mga inmate na nagpapakita ng magandang asal sa loob ng kulungan, ngunit hindi ito maaaring ibigay sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen.
Setyembre taong 2019 nang masuspinde si Santos, kasama ng 27 BuCor officials, matapos sabihin ng Office of the Ombudsman na nakakita sila ng inisyal na ebidensya pagdating sa kwestyonableng pagpapalaya sa 1,914 heinous crime convicts sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Dati nang umamin si Santos hinggil sa katiwaliang nangyayari sa loob ng Bilibid, ngunit nagtuturuan sila ng noo’y BuCor chief Nicanor Faeldon pagdating sa iligal na release ng mga inmates.
Ikino-connect ang isyu na si Santos ang sinasabing nag-hikayat kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na dapat I report ‘yung mga, Chiong case.
“Irrelevant naman ‘yun eh. If you have a personal conflict with any person of a group of persons, yun lang naman ang problema mo,” ani Sec. Panelo.
Hindi naman naniniwala si Sec. Panelo na isa itong setback dahil sa pagnanais na ilabas ang katotohanan ay dumating naman ang pananambang kay Santos.
“No, because people will always reveal certain truths about their agencies/offices. Lalabas at lalabas yan. Di lahat ng tao kasama sa mga conspiracy on corruption,” anito.
Para sa Malakanyang ang insidenteng ito ay “Kung ano ang sabihin ng mga pulis, kung ano ang… syempre imbestigahan muna nila iyun. “
Samantala, mariing kinondena naman ng Malakanyang ang nangyaring pananambang kay Santos.
“We condemn any act of violence, palagi kaming ganyan. As a matter of policy, we condemn any transgressions of law, any violation inflicted on any person, any murder, we condemn that,” ayon kay Sec. Panelo. (Daris Jose)
-
Ana Patricia Non nakatanggap ng Ambassador’s Woman of Courage Award mula US Embassy
GINAWARAN ng Unites States Embassy sa Manila ng Ambassador’s Woman of Courage Award ang maginhawa Community Pantry organizer na si Ana Patricia Non. Iginawad ni Chargé d’Affaires Heather Variava ang naturang award na kumikilala kay Non sa kaniyang inisyatibo na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magtulungan sa kasagsagan ng lockdown dahil […]
-
Kawhi Leonard nagbaon ng game-winner kontra Hornets
IPINAGSIGAWAN ni Kawhi Leonard ang balik mula right ankle sprain nang ibaon ang game-winner sa 119-117 win ng Clippers kontra dinayong Hornets sa Spectrum Center sa Charlotte nitong Lunes. “I don’t think anybody loves playing this game more than me,” pakli ni Leonard, pinakawalan ang winner 1.4 seconds sa orasan at tumapos ng 16 […]
-
BARANGAY NA WALANG COVID CASE NG 2 MONTHS, MAY P100K KAY YORME ISKO
BIBIGYAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng P100,000 insentibo ang barangay na hindi magkakaroon ng COVID19 sa loob ng susunod na 2 buwan. Ayon kay Moreno, ito ay kung mapapanatili nilang COVID19 free ang kani-kanilang barangay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31,2020. Sinabi ni Moreno na naglaan sila ng P89.6 milyong […]