• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BuCor officer itinumba sa Muntinlupa

POSIBLENG may kinalaman sa personal cases ang nangyaring pananambang sa isang suspendido at dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinagbabaril sa lungsod ng Muntinlupa City, kahapon, Pebrero 19, Miyerkules ng hapon.

 

Kaya walang dapat na ika-alarma ang pamahalaan sa insidenteng ito.

 

“Siguro mga personal cases ‘yun, pag mga ganung tambangan puro personal ‘yun, kung may personal siyang atraso sa isang tao eh talagang tatambangan nga siya, ganun talaga pero hindi naman alarming,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

 

Batay sa ulat ng Muntinlupa City police, tinambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang biktimang si Fredric Anthony Santos sa harap ng Southernside Montessori School sa Katihan Street sa Barangay Poblacion dakong 1:50 ng hapon.

 

“ Susunduin na sana ng biktima ang anak niyang babae sa eskwelahan. Bago dumating sa lugar ng insidente, dalawang hindi pa kilalang lalaki ang bumulaga at pinagbabaril siya nang malapitan,” sabi ng isang witness.

 

Agad namatay si Santos matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, ayon sa Muntinlupa Rescue Team.

 

Matatandaang nailagay sa kontrobersiya ang pagpapatupad ng GCTA law, na nag-aawas ng sentensiya sa mga preso, matapos maisiwalat na ibinebenta ito ng ilang opisyal.

 

Karaniwang iginagawad ang GCTA sa mga inmate na nagpapakita ng magandang asal sa loob ng kulungan, ngunit hindi ito maaaring ibigay sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

 

Setyembre taong 2019 nang masuspinde si Santos, kasama ng 27 BuCor officials, matapos sabihin ng Office of the Ombudsman na nakakita sila ng inisyal na ebidensya pagdating sa kwestyonableng pagpapalaya sa 1,914 heinous crime convicts sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

 

Dati nang umamin si Santos hinggil sa katiwaliang nangyayari sa loob ng Bilibid, ngunit nagtuturuan sila ng noo’y BuCor chief Nicanor Faeldon pagdating sa iligal na release ng mga inmates.

 

Ikino-connect ang isyu na si Santos ang sinasabing nag-hikayat kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na dapat I report ‘yung mga, Chiong case.

 

“Irrelevant naman ‘yun eh. If you have a personal conflict with any person of a group of persons, yun lang naman ang problema mo,” ani Sec. Panelo.

 

Hindi naman naniniwala si Sec. Panelo na isa itong setback dahil sa pagnanais na ilabas ang katotohanan ay dumating naman ang pananambang kay Santos.

 

“No, because people will always reveal certain truths about their agencies/offices. Lalabas at lalabas yan. Di lahat ng tao kasama sa mga conspiracy on corruption,” anito.

 

Para sa Malakanyang ang insidenteng ito ay “Kung ano ang sabihin ng mga pulis, kung ano ang… syempre imbestigahan muna nila iyun. “

 

Samantala, mariing kinondena naman ng Malakanyang ang nangyaring pananambang kay Santos.

 

“We condemn any act of violence, palagi kaming ganyan. As a matter of policy, we condemn any transgressions of law, any violation inflicted on any person, any murder, we condemn that,” ayon kay Sec. Panelo. (Daris Jose)

Other News
  • PBA season 46 opening sa Abril 18 na!

    Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City.     Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pumapalo na sa 5,000 kada araw.     Plano sana ng PBA management na […]

  • Brooklyn Nets pasok na sa NBA semifinals matapos ilampaso sa Game 5 ang Celtics

    Pasok na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos ilampaso sa Game 5 ang Boston Celtics, 123-109.     Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1.     Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks.     […]

  • CATRIONA, nai-record na ng ‘Bagani’ na gagamitin sa unveiling ng Metropolitan Theater ng NCAA

    PAGKATAPOS ng kanyang 14-day quarantine, hinarap agad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang recording session.     Post ni Queen Cat on Instagram: “First day out of quarantine went something like.”     Si Jungee Marcelo ang kanyang music producer at and nire-record na awit ni Catriona ay ang song na “Bagani” na […]