• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Budget cut sa PGH, inalmahan

PINALAGAN ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala.

 

 

“Una sa lahat ang ­unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ­ibinibigay namin sa mga pasyente,”  ayon kay ALL UP Workers Union-Manila/PGH president Karen Faurillo.

 

 

Base sa ‘spen­ding plan’ ng gobyerno, kakaltasan ng P890 mil­yon ang pondo ng PGH. Mula sa kasalukuyang P6.3 bilyong pondo nito ay magiging P5.4 bilyon na lamang sa 2023.

 

 

Iginiit ni Faurillo na mas higit na kailangan ng PGH ng pondo habang tumatransisyon ang bansa sa ‘new normal’ dahil sa pagiging pinakamalaking ‘COVID-19 referral facility’ nito.  Mas kakailanganin pa nga umano ng PGH ng dagdag na P10 bilyong pondo.

 

 

Nang tumama ang pandemya, nakita pa umano lalo ang pangangailangan na mag-upgrade ng PGH ng pasilidad, kagamitan at iba pang resources.

 

 

Tinawag nilang ‘anti-poor’ at ‘anti-health wor­kers’ ang pagbawas sa pondo lalo’t nasa 300 contractual at job orders na manggagawa ang naghihintay na ma-regular sila sa trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

  • VP Sara kumasa sa psychiatric exam

    Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kahandaang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric at drug tests kung sasailalim din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa drug test.       Ayon kay Duterte, batid niyang marami ang nagsasabing baliw siya at wala sa tamang pag-iisip kasunod na rin ng kanyang […]

  • PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife

    PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife.   Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga.   Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho.   “Wala pong lovelife. Ang […]