PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife.
Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga.
Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho.
“Wala pong lovelife. Ang nakaka-stress po sa akin, love life talaga. Sa trabaho maha-handle pa. Mas okey lang po muna na chill chill lang muna para mas nakakapag-focus sa trabaho at pag-improve ng acting ko.”
Mahirap daw kay Paul ang ma-stress dahil may tendency siyang maging over eater. Sa pagkain daw niya binubuhos ang stress niya noon sa lovelife.
“Kapag nai-stress ako or depressed, sa kain din po ako. Dati hindi rin naman po ako nagluluto. Mas gusto ko po yun kapag marami kaming kumakain. ‘Yung kasama pamilya ko.”
Mabuti na lang at masipag mag-workout si Paul kaya napapanatili niya ang kanyang six-pack abs.
Kasama si Paul sa GMA News TV teleserye na The Lost Recipe at love triangle siya kina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.
***
KAPWA nanibago ang mga senior stars ng GMA primetime teleserye na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Jay Manalo sa lock-in taping set-up.
First time daw kasi nilang naka-experience na ma-confine sa taping set ng halos isang buwan. Pero mabilis naman daw silang nakapag-adjust dahil mas mabilis daw nilang natatapos ang maraming eksena at walang nale-late sa kanilang taping.
“Nasanay kasi tayo for so many years na you travel to the location at minsan nale-late ka because of traffic di ba? Ngayon wala ng gano’n kasi nga we are all in the location na kaya maaga kaming mag-start at matapos. Very organize lahat kaya ang sarap magtrabaho kapag maayos lahat,” sey ni Dina.
Sey naman ni Snooky: “Noong una, nakakapanibago at nakakakaba but in the long run, it turned out to be a good experience kasi nagkaroon ng bonding among the cast. We also were very well taken care of by our Kapuso network. I enjoyed doing the lock-in taping.”
Dagdag naman ni Jay: “The challenge is how will you cope with the changes such as staying and working at one location; from time to time, may health workers na nagche-check sa’yo; awareness of wearing face masks all the time; and bringing your own alcohol. We also have our different places so no tsismisan pero masaya dahil maaga kami natatapos.”
***
ANG sweet lang ng beauty queen girlfriend ni Jason Abalos na si Vicki Rushton dahil sa pinost nitong birthday message sa Instagramnoong nakaraang January 14.
“Baba” ang term of endearment nila Jason at Vicki sa isa’t isa.
“To the most selfless person I know, to the person who have touched so many lives (including mine) in sooo many ways, to the person who randomly stops and gets out of the car to help, to the person who does all the weird stuff just to make me laugh, to my Baba, HAPPY HAPPY BIRTHDAAAAAY! I miss you and I love you.”
Nag-reply agad si Jason ng: “Thank you baba. Miss na din kita. I love you.”
Turning 11 years na ang relasyon ni Jason kay Vicki. 2010 noong una silang nagkakilala sa isang event in Bacolod. (RUEL J. MENDOZA)
-
PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER
NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon. Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal […]
-
Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC
HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers. Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor. Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga […]
-
Granular lockdowns, ipatutupad sa mga high-risk areas- Galvez
SINABI ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19, na ipatutupad ang “granular lockdowns,” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas. Ang pahayag na ito ni Galvez ay tugon sa naging payo ng OCTA Research team na marapat na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa […]