Budget para sa pasuweldo at iba pang benepisyo ng mga government workers sa susunod na taon, sapat –DBM
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
SAPAT ang pondo ng Department of Budget and Management sa mga kawani ng pamahalaan na may budget ang pamahalaan para pondohan ang pasuweldo para sa kanila sa 2021.
Ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado, umasa ang mga government workers na sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon na hindi pa gayung kalakas ang koleksiyon ng gobyerno ay sapat naman ang inilagay na miscellaneous services and benefit fund para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Aniya, walang matatanggal na kawani ng gobyerno at walang retrenchment na magaganap.
Wala rin aniyang dapat na alalahanin ang mga government workers gayung sapat aniya ang pondo na kanilang inilagay para sa sahod ng lahat ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa katunayan, inihayag ni Avisado na maaari pa ngang makapag- hire ang isang ahensiya ng pamahalan ng mga contractual employees. (Daris Jose)
-
Pinakamalakas na submarine ng US dumaong sa Guam
NAGSAGAWA ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada. Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads. Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island […]
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]
-
Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang
DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang. Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community. Makikitang nagkaroon […]