• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buhay ‘gumanda’ para sa 33% ng Pinoy, mas mababa pa rin vs pre-pandemic — SWS

MAS UMAYOS daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

 

 

Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao mula ika-28 ng Hunyo hanggang ika-1 ng Hulyo.

 

gumanda buhay: 33%

lumala pamumuhay: 22%

walang nagbago: 45%

 

 

“The resulting Net Gainers score is +11 (% Gainers minus % Losers), classified by SWS as very high (+10 to +19,” paliwanag ng SWS kahapon.

 

 

“The June 2023 Net Gainer score was 6 points above the high +5 in March 2023. However, it is still 7 points below the pre-pandemic level of very high +18 in December 2019.”

 

 

Ang “net gainers” classication, na nakukuha sa pag-awas ng porysento ng gumanda sa lumala, ay kumakatawan sa sumusunod:

 

Karaniwang negatibo ang net gainer score simula 1983. Bagama’t nagsimula itong tumaas at makakuha ng mga positibong numero simula 2015, bumaba ito ito pagdating ng COVID-19 pandemic.

 

 

Paakyat na ito uli ngunit hindi pa rin nakababalik sa mga numero bago pumasok ang nakamamatay na COVID-19.

 

 

Kapansin-pansing mas kanti pa rin ang mga “mas gumanda ang buhay” ngayon kumpara noong Disyembre 2019, panahon kung kailan hindi pa nagpapatupad ng malawakang lockdowns laban sa COVID-19:

 

gumanda buhay: 39%

lumala pamumuhay: 21%

 

Umakyat ang net gainers sa Metro Manila mula “high” patungong “very high” kumpara noong Marso, bagay na mas mataas ng 16 puntos (+2 patungong +18). Nanatili ito sa “very high” sa Balance Luzon sa matapos hindi gaano gumalaw mula +12 patungong +13.

 

“It rose sharply from mediocre to very high in the Visayas, up by 24 points from -14 to +10,” sabi pa ng SWS.

 

“It stayed high in Mindanao, although down by 4 points from +6 to +2.”

 

Nanatili naman itong “excellent” sa mga college graduates, “very high” sa junior high school graduates, “fair” sa elementary graduates at “high” sa hindi nagtapos ng elementarya.

 

Hindi kinomisyon  ng mga pribadong indibidwal ng SWS survey at ginawa aniya sa sariling inisyatiba bilang serbisyo publiko.

 

Lumabas ang mga naturang balita kahit dalawang magkasunod na buwan nang bumibilis ang presyo ng bilihin at gastusin buhat ng mahal na pagkain.

 

Matatandaang lumobo sa 6.1% ang inflation rate nitong Setyembre, habang 74% ng mga Pilipino ang nagsasabing gumastos sila nang mas malaki para sa pagkain.

 

Sa kabila nito, mas mababa ang huling unemployment rate na naitala ng Philippine Statistics Authority sa 4.4%.

Other News
  • DOTBOT INILUNSAD SA VALENZUELA

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang online DotBot, isang innovation project na isinilang mula sa cooperative partnership ng Pilipinas at New Zealand sa ilalim ng GovTech Acceleration Program ng Creative HQ, New Zealand.     Ang DotBot na ipinakita sa Philippines – New Zealand Government Innovation Exchange Showcase […]

  • Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante

    NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa.   “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]

  • Almost three months nang official: DERRICK, umamin na totoo na ang relasyon nila ni ELLE

    MALUNGKOT ang last taping day ng “Voltes V: Legacy” at hindi napigilan na maiyak ang main cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at si Little Jon Raphael Landicho.   Hindi mo naman maalis na hindi ganoon ang maging feelings nila dahil for almost 3 years magkakasama sila sa taping araw […]