• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo

HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City.

 

Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District.

 

Bago ito’y natagpuan ng ina ang anak na babae na umiiyak, at ipinagtapat ng bata na siya’y hinalay ng kanilang kapitbahay sa condo.

 

Tinanggal umano ng suspek ang kanyang saplot pang-ibaba saka siya pinatungan at ‘binayo’ ang kanyang pagkababae.

 

Nabatid na kapwa naninirahan ang grade 1 student at suspek sa ikasiyam na palapag ng naturang condominium nang yayain ng binatilyo ang bata sa ika-12 palapag at doon hinubaran bago pinuwersa ang ari sa murang katawan ng biktima.

 

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na dinala ng binatilyo ang grade 1 student sa 12th floor ng condominium at doon ito hinalay.

 

Isinasailalim na rin ang bata sa counseling at idinaan sa Medico Genital sa pangangasiwa ng crime lab habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Womens and Children Protection Desk ng Pasay City Police sa nasabing kaso.

Other News
  • Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

    Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.   Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.   Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.   […]

  • DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea.   Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu […]

  • BOC, NBI nanguna sa raid ng P250 milyong pekeng luxury goods

    PINANGUNAHAN  ng Bureau of Customs (BOC), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), at National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang joint operation noong Biyernes sa Peter Street, Perpetual Village, Las Piñas City kung saan nadiskubre nila ang humigit-kumulang sa P250 milyong halaga ng mga puslit na pekeng luxury items.   […]