Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS
- Published on November 28, 2023
- by @peoplesbalita
WALA umanong naging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.
Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.
Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang ‘unchanged’, o walang naganap na pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na 12-buwan.
Nasa 30% naman ang mga Pinoy na nagsabi na lumala pa ang pamumuhay o tinaguriang ‘losers.’
Samantala, 28% naman ang mga Pinoy na naging ‘gainers’ o nagsabing naging mas maganda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon.
Nabatid na ang September score ay 13 puntos na mas mababa kumpara sa very high na +11 noong Hunyo 2023 at nasa pinakamababa simula sa -2 noong Hunyo 2022.
Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults nationwide.
-
MAINIT na sinalubong ng mga Navoteño
MAINIT na sinalubong ng mga Navoteño sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sina Vice President Inday Sara Duterte at Senator Imee R. Marcos na nagtungo sa Brgy. Tangos North upang mamahagi ng grocery packs, school supplies, food packs, nutribun, champorado, at laruan sa mga bata sa 500 residente. Dumalo rin […]
-
Mayroong parameters bago maibaba sa MGCQ ang quarantine classification
MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa. Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding makita ang kakayanan ng mga local government unit pagdating sa gatekeeping […]
-
Ads November 19, 2020