• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod kina Joseph, Charo, Laurice at Lav: JUDY ANN, kasama sa pararangalan sa ‘2025 Parangal ng Sining’ ng FDCP

MASAYANG ipinahayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga bibigyan ng natatanging pagkilala para sa ‘2025 Parangal ng Sining’ bilang bahagi ng pagdiriwang ng kahusayan at innovation sa Philippine cinema.
Ang mga parangal sa taong ito ay kumikilala sa mga buhay na alamat at pioneer na patuloy na humuhubog sa paggawa ng pelikulang Pilipino.
Ang seremonya ng parangal ay magaganap sa Abril 11, 2025, sa ganap na 5:00 PM sa Seda Vertis North, Quezon City at ang magiging host ay si Iza Calzado.
Ang theme sa taong ito ay ‘Ang Mga Higante ng Kasaysayan ng Ating Pelikula: Tradisyon at Ebolusyon,’ pararangalan ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino, na ipinagdiriwang ang parehong mga alamat na nagbigay daan at ang mga innovator na nagtutulak sa mga hangganan nito ngayon.
 LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD RECIPIENTS:
 ● Joseph Ejercito Estrada
 ● Charo Santos-Concio
 ● Laurice Guillen
 ● Lav Diaz
 ANNUAL ACHIEVEMENT AWARD RECIPIENTS:
 ● “Iti Mapukpukaw (The Missing)” – Directed by Carl Joseph Papa
 ● “Sunshine” – Directed by Antoinette Jadaone
 ● Judy Ann Santos
 Upang makadagdag sa seremonya ng parangal, isang serye ng Tribute Screenings ang gaganapin sa Ayala Malls Vertis North SA Abril 10 at 12, na nagpapakita ng mga iconic na gawa ng mga pinarangalan.
Ang mga tampok na pelikula:
 ● Itim (1976) – Directed by Mike De Leon, starring Charo Santos-Concio
 ● Tanging Yaman (2000) – Directed by Laurice Guillen
 ● Ang Babaeng Humayo (2016) – Directed by Lav Diaz
 ● Sa Kuko ng Agila (1989) – Directed by Augusto Buenaventura, starring Joseph Estrada
Ang mga performers sa naturang pagpaparangal ay sina Nyoy Volante, Rachel Alejandro, Arman Ferrer, Nicole Asensio, Jeffrey Hidalgo at Cookie Chua.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Ads March 12, 2024

  • OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong

    SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso.   Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at […]

  • Certified hot momma talaga sa silver bikini: MAX, walang balak na tumigil sa paglantad sa kanyang alindog

    NGAYONG Summer na, walang balak na tumigil si Max Collins sa paglantad ng kanyang alindog.     Certified Hot Momma si Max sa suot silver bikini habang dinadama ang init ng araw sa Boracay.     Nag-post si Max ng mga sizzling photo sa kanyang Instagram account at nilagyan niya ng caption na “island girl.” […]