• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa ‘Broken Hearts Trip’: CHRISTIAN, uunahing panoorin ang ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG

MAY kinalaman sa kanyang kalusugan ang New-Year’s Resolution ni Christian Bables.

 

 

Lahad ng aktor, “Siguro dapat mag-pay attention na ako sa health ko, kasi ngayong taon hindi ako nakapag-gym, tapos kung anu-ano kinakain ko, so parang napabayaan ko ng konti.”

 

 

Wala naman raw siyang bisyo.

 

 

“Hindi ako umiinom, hindi rin ako nagyoyosi, kain lang talaga, napadami yung sweets ko.”

 

 

Pero hindi naman halata, banggit namin kay Christian habang tinitingnan namin ang built niya habang kausap namin.

 

 

“Medyo, ako nararamdaman ko,” at tumawa si Christian na bida sa ‘Broken Hearts Trip’ na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25.

 

 

At dahil nga nalalapit na ang pagtatapos ng 2023, tinanong namin siya kung ano ang best at worst thing na nangyari sa kanya ngayong taon.

 

 

“The best kasama ko pa yung mga mahal ko sa buhay, my family, my mom and my brothers, I think that’s the best thing that happened to me this year.

 

 

“Worst? Wala naman, I can’t think of anything, wala naman.”

 

 

Pag-amin ni Christian, tinamaan rin siya, tulad ng marami, ng virus ng COVID-19.

 

 

“Nung shooting namin ng ‘Ten Little Mistresses’, kaming lahat mga keridas nagka-COVID kami, 2022, last year.”

 

 

Isang linggo raw siyang may sakit na ang sintomas niya ay ang pagkakaroon ng lagnat at pagkawala ng kanyang panlasa.

 

 

Hindi naman raw siya naospital pero nahinto ang shooting nila ng halos dalawang linggo.

 

 

Pasasalamat rin ni Christian na bakunado siya kaya hindi malala ang virus na dumapo sa kanya.

 

 

Samantala, nasa ‘Broken Hearts Trip” rin sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap, Ron Angeles at si Ms. Jaclyn Jose at marami pang iba.

 

 

Ito ay sa direksyon ni Lemuel Lorca at sa produksyon ng BMC Films and Smart Films.

 

 

Tinanong namin si Christian, bukod sa movie nila, kung manonood siya ng sine sa December 25, ano sa mga MMFF entries ang uunahin niya?

 

 

“Gusto ko yung Rewind ni Ms. Marian [Rivera] and ni Kuya Dingdong [Dantes].”

 

 

Bakit?

 

 

“Ganda nung trailer.”

 

 

Ano ang nasa top 5 niya?

 

 

“Rewind, Becky and Badette, Gomburza, Mallari, and then Firefly.”

 

 

***

 

 

TINOTOO ni Gabby Eigenmann ang sampal niya kay Cassy Legaspi sa isang eksena nila sa ‘When I Met You In Tokyo’.

 

 

Pero ayon mismo kay Gabby, “request” iyon ni Cassy, na sampalin niya ng totohanan ang batang aktres.

 

 

Pagbabahagi ni Gabby, “She dared me to hit her!

 

 

“Sa nakita niyo sa trailer, sabi ko, ‘Dadayain ko na lang.’ Pero sabi niya, ‘No, do it!’

 

 

“Para makahugot siya ng emosyon.”

 

 

Matapos ang eksena ay agad raw naman niyang tinanong si Cassy…

 

 

“Masakit ba?”

 

 

Ngumiti lamang raw si Cassy bilang pagpapakita ng propesiyonalismo.

 

 

“I’m very proud of Cassy,” wika pa ni Gabby. “Kasi she turned out to be good here. Tuwang-tuwa si direk!

 

 

“Thank you, direk, for making Cassy another big thing. Nakatikim ng sampal of an Eigenmann.”

 

 

Hindi nga makakalimutan ni Cassy ang lagapak ng palad ni Gabby sa kanyang mukha.

 

 

“Thank you, papa, you’re the best,” patungkol kay Gabby na sinabi ni Cassy.

 

 

“Actually, totoo yun kasi napakasakit ng sampal… Pero ginusto ko ‘yan! Professional po tayo. Wow,” bulalas pa ni Cassy.

 

 

Bida sa ‘When I Met You in Tokyo” sina Vilma Santos at Christopher de Leon, at bukod kina Cassy at Gabby, ay nasa pelikula rin na entry sa Metro Manila Film Festival sina Darren Espanto, Gina Alajar, Kakai Bautista, Lyn Ynchausti, Tirso Cruz III, at Lotlot de Leon.

 

 

Mula sa JG Productions, (hello, Ms. Redgie Acuna-Magno!) at mula ito sa direksyon nina Rommel Penesa at Rado Peru.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PDu30, hindi magdadalawang-isip na sibakin ang mga suspendidong govt officials

    HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.   Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of […]

  • Tumanggap ng cash na ipinapamahagi ng mga kandidato, mananagot din sa batas – Comelec

    NAGBIGAY agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay. Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas […]

  • Damay din sa leaked conversation si Herlene: BIANCA, pumunta ng Japan sa gitna ng isyu sa kanila ni ROB

    PUMUNTA ng Japan si Bianca Manalo sa gitna ng isyu sa diumano’y leaked conversation sa pagitan nila ng co-star na si Rob Gomez. Meron din sina Rob at Herlene Budol. Pawang magkakasama ang mga ito sa serye ng GMA-7 na “Magandang Dilag.” Kaya kung legit talaga ang lumalabas, madaling paniwalain na habang ginagawa nila ito. […]