PDu30, hindi magdadalawang-isip na sibakin ang mga suspendidong govt officials
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.
Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of duty’ dahil siguradong sibak sa puwesto.
‘Next time, I will dismiss you from the service. All of you who are suspended, the next time you have [a case] of even simple neglect of duty or whatever, if it falls as a ground for dismissal, I will have you removed,” ayon sa Pangulo.
“Do not ever think you are indispensable,” dagdag na pahayag nito.
Ipinaalala pa ng Pangulo sa mga suspendidong opisyal ng gobyerno na napakaraming Filipino na nakapagtapos ang “competent and honest” na hanggang sa kasalukuyan ay walang trabaho.
“So, all of you in government, take care of your position. Do not allow even a dent of [an] anomaly.”
I’m telling you: I’m going to be stricter now until the end of my term… There are many Filipinos who are just waiting, who are civil service eligible. There are many of them who I can replace you with.” diing pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]
-
La Salle swak sa Final 4
NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City. Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa […]
-
Nievarez pasok sa Tokyo Olympics
Si national rower Cris Nievarez ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo. Ito ay matapos ilabas ng World Rowing Federation (WRF) ang final list ng mga qualified rowers para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan nakasama ang pangalan ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist. […]