Bukod sa inaabangang pagsasamaa sa sitcom: DINGDONG at MARIAN, nag-collaborate sa isang documentary tungkol sa motherhood
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
NATUPAD na rin ang matagal nang request ng fans ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapanood na muling magkasama ang kanilang mga idolo sa isang programa.
Matagal nang working together ang mag-asawa dahil idinidirek ni Dingdong ang mga spiels ng Tadhana, ang OFW documentary hosted by Marian every Saturday, pero gusto nila ay isang teleserye na magkasama sila.
Ngayon, after a long time, balik-tambalan na ang DongYan, sa isang pinakabagong sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa. Bukod sa sila ang mga bida sa sitcom, very hands on din ang mag-asawa sa production ng kanilang show, dahil co-production venture ito ng GMA Network with Agosto Dos Productions ni Dingdong at ng APT Productions ni Mr. Tony Tuviera, at director nila ng sitcom si Mike Tuviera.
Ayon kina Dingdong at Marian, excited na rin silang patawanin at pakiligin ang kanilang mga fans na matagal nang naghihintay sa kanila. At mapanood na sila every Saturday, simula sa May 14, 7:15PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
***
BUKOD sa sitcom nina Dingdong at Marian,, nag-collaborate din ang mag-asawa sa isang documentary tungkol sa motherhood, na ipalalabas sa GMA-7 para sa Mother’s Day.
Ipakikita rito ni Marian, ang hindi niya malilimutang journey as a Miss Universe 2021 judge that will also tackles motherhood in a documentary.
“Handog po namin sa Mother’s Day ang isang documentary na ginawa namin tungkol sa journey niya sa Miss Universe at sa journey niya bilang ina at bilang isang ina na nasa ibang bansa,” sabi ni Dingdong.
“The documentary is titled ‘Miss U: The Journey To The Promise Land.’ Ginawa namin ang Isreal trip at ang experience ni Marian as Miss Universe judge into a documentary.
“Bihira kasing pagkakataon iyong maging isang judge, iyong makapunta kami sa Jerusalem sa Holy Land, plus iyon ang first time naming umalis after a while, na nahirapan talaga siya na iwanan nang ganoon katagal ang mga anak naming sina Zia at Sixto.
“Marian will be talking about motherhood, her relationship with her own mother and she will also be sharing a story of an OFW in Israel who is also a mother.”
Ayon din kay Marian, first time ito ng mommy niya na pumayag ma-interview for the documentary. Ipapakita rin nina Dingdong at Marian ang mga lugar na pinuntahan nila sa Jerusalem. (Hindi ko imi-miss panoorin ang documentary nila bilang pagbabalik-tanaw na rin nang pumunta ako ng Holy Land, 28 years ago, on April 11, 1994, an answered prayer from God.)
Mapapanood ang Miss U: The Journey To The Promise Land sa May 7, 2:30PM after ng Eat Bulaga!
***
NGAYONG Friday, Apriil 29 after ng First Lady, na ang finale episode ng first GMA Network’s suspenserye na Widows’ Web, pero hindi pa rin matukoy ng netizens kung sino ang talagang pumatay kay AS3 played by Ryan Eigenmann.
Sa pagkamatay niya, ang na-accuse ay si Frank (EA Guzman) at nakulong. May mga nagsabi kung sino sa palagay nila ang killer, pero mali pa rin. Bawa’t isa kasing character ay paghihinalaang siya ang killer, ang sister ba niyang si Carmina Villarroel, ang wife niyang si Ashley Ortega, ang nakarelasyon niyang si Vaness del Moral, ang stepbrother niyang si Adrian Alandy, ang best friend niyang si Bernard Palanca?
Nawala na ang duda kay Bernard, husband ni Vaness na malaki an galit kay AS3, dahil nagkaroon ng relasyon dito and asawa, pero nagbaril ito sa sarili, hindi raw siya ang killer.
Kaya puring-puri ng netizens ang story at buong cast ng Widows’ Web. Sabi nila: “Ang intense ng mga eksena,” “ilang gabi na lang pero paganda pa nang paganda ang mga eksena,” “kudos to #widowswebfamily.”
(NORA V. CALDERON)
-
400 AFP medical reservist ‘ire-recall for active duty’ para tumulong sa COVID fight
Ire-recall na for active duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 380 medical reservists para tumulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19. Ipinag-utos kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-recall to active duty ang kanilang mga medical reservists kung hindi pa […]
-
Yu Yu Hakusho’s star Takumi Kitamura leads the fight as Takemichi Hanagaki in ‘Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny’
Leading another action-packed live adaptation is Takumi Kitamura, who’s playing as the driven Takemichi Hanagaki in Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny, based on the best-selling manga series by Ken Wakui. After failing to save Hinata Tachibana from her fate, Takemichi travels back in time once more to unravel the mysteries of his violent past. […]
-
New version na ng ‘Face to Face’ ang mapapanood: KORINA, ‘di pumayag na maging tagasalo ng iniwang programa ni KARLA
TULOY na tuloy na ang premyadong broadcaster na si Korina Sanchez sa programang “Face to Face” at niya si Karla Estrada. Iba na rin daw ang co-host ni Korina, si KaladKaren na. Ayon pa sa nakausap ay parang naunahan lang daw ni Karla ang management dahil nakaplano na raw talaga na mag-reformat ang […]