• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

400 AFP medical reservist ‘ire-recall for active duty’ para tumulong sa COVID fight

Ire-recall na for active duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 380 medical reservists para tumulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.

 

Ipinag-utos kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-recall to active duty ang kanilang mga medical reservists kung hindi pa nagseserbisyo ang mga ito.

 

Sa oras na matukoy na aniya ang mga pwedeng maging active sa serbisyo ay kaagad nila itong irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan.

 

Maliban sa mga military medical reservist ay mayroon ding 5,368 AFP enlisted personnel na nasa medical training para tumulong sa pagkontrol ng deadly virus.

 

Dagdag pa ni Lorenzana, pagbubutihin umano ng defense department ang mga AFP medical facilities para gawing reserve hospital kapag napuno na ang mga ospital sa labas ng mga kampo.

 

Sinabi naman ng bagong AFP chief of staff, buong gobyerno na ang gumagawa ng mga hakbang para labanan ang pandemic.

Other News
  • DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading

    SINIMULAN  na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway.     Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan.   […]

  • Halos 150,000 COVID-19 vaccines tinupok ng apoy sa Zamboanga del Sur

    Mahigit-kumulang daanlibo’t kalahating bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease ang nasira matapos lamunin ng sunog ang isang gusali sa Mindanao, pagkukumpirma ng gobyerno.     Ang ulat ay kinumpirma ng Malacañang, Department of Health at National Task Force Against Covid19 (NTF) sa ilang pahayag na inilabas simula Lunes.     “We are saddened that […]

  • Sec. Roque, no comment sa umano’y siyam na miyembro ng gabinete na pinangalanan ni Pangulong Duterte

    NO COMMENT si Presidential Spokesperson Harry Roque sa umano’y line up ng mga posibleng isabak ng Administrasyon sa senatorial race sa susunod na taon.   May lumabas kasing report ang isang news portal na siyam na cabinet secretaries umano ang pinangalanan ni Pangulong Duterte para maging potential senatorial candidates.   Nangyari umano ang pagkakabanggit sa […]