• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagiging isa sa leading man ni Kylie: JAK, napiling gumanap sa true story ni Billiard Champ JOHANN

SURPRISED and thankful si Kapuso actor Jak Roberto sa magkasunod na project na ginawa niya sa GMA Network.

 

 

Sa Monday, May 30, ang world premiere ng sports drama series na Bolera nila nina Kylie Padilla at Rayver Cruz, pero ngayong gabi, mauunang mapanood si Jak sa Magpakailanman ni Mel Tiangco, sa episode na “Batang Kampeon sa Bilyaran.”

 

 

“Nakakataba po ng puso na ako ang napili nila para gampanan ang true story ni Johann Gonzales Chua, ang Gold Medalist sa billiard sa katatapos na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam,” kuwento ni Jak.

 

 

“Dito ay ipapakita namin ang mga pinagdaanang buhay ni Billiard Champ Johann, na hindi naging madali bago siya naging champion. Tamang-tama po naman na katatapos nga lamang naming mag-lock-in taping ng ‘Bolera’ na ako ang manager ni Kylie sa paglalaro ng bilyar at may knowledge na rin ako ng sport. Salamat po!”

 

 

Tampok din MPK tonight sina Denise Barbacena, William Lorenzo, Dilek Montemayor at Ms. Shamaine Buencamino, sa direksyon ni Neal del Rosario, pagkatapos ng Jose & Maria’s Bonggang Villa sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA si Kapuso teen star Jillian Ward sa muli niyang pagbabalik sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

 

 

Ang huli niyang ginawa ay ang GMA Afternoon Prime na Prima Donnas. Bata pa noon si Jillian nang makasama sa DKNLK, at matagal siyang naging one of the young hosts ng fantaserye, na kasama nila si Ms. Gloria Romero na siyang nagkukuwento ng bawa’t episode.

 

 

Pero this time ay siya ang bida sa episode na tiyak na mag-i-stretching ang mga televiewers ng 2-Sunday episode titled “Tiki Tokitok”. Makakasama ni Jillian sina Vanessa Pena, Michael Sager, Nova Villa, Mon Confiado at Mel Martinez.

 

 

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, mapapanood ito sa GMA-7, after ng 24 Oras Weekend.

 

 

***

 

 

SIMULA na ng exciting finale week ng Artikulo 247 ngayong Monday, May 30 at inip na ang netizens kung makakaligtas pa ba si Klaire (Kris Bernal) sa mga kasalanang ginawa niya against MJ (Rhian Ramos).

 

 

Marami na talagang nanggigigil kay Klaire dahil lahat ng masasama niyang ginawa sa mga taong nakapaligid sa kanya ay napagtatagumpayan niya.

 

 

Pero marami ring humahanga sa husay ng pagganap ni Kris, malayung-malayo sa mga sweet characters na ginampanan niya noong araw. Kayang-kaya raw palang maging kontrabida si Kris at magagalit ka talaga sa mga ginagawa niya as Klaire/Carmen sa story, sa tulong ng boyfriend niyang si Julian (Mike Tan). Dalawang husbands na niya ang napatay niya, ang huli ay si Elijah (Mark Herras) pero siya ang nakapagsabi na si Klaire ang tunay na killer at hindi si MJ.

 

 

May hangganan din ang kasamaan, nahuli na rin si Klaire, pero lagi pa rin siyang nakakaligtas at natatakasan sina MJ at Noah (Benjamin Alves).

 

 

Ano pa kaya ang mga kasamaang gagawin ni Klaire sa finale week? May masasawi pa ba sa mga kamay niya, bago siya tuluyang mahuli ng mga pulis?

 

 

Please don’t miss the grand finale week of Artikulo 247 na napapanood araw-araw, 4:15PM sa GMA-7, pagkatapos ng Raising Mamay.

 

 

***

 

 

MARAMI nang naghihintay na GMA series na maipalabas.

 

 

Dalawa rito ay ang Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at ang Lolong nina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Ang dalawang serye ay mula sa GMA Public Affairs.

 

 

Mauunang ipalabas ang Love You Stranger sa June 6, at coming na rin ang Lolong. Coming na rin ang Voltes V: Legacy na marami nang naghihintay na mapanood.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Bucor Director Bantag, suspendido

    SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.     “I went […]

  • SYLVIA, mas tumatag ang pananalig sa Diyos dahil sa matinding pagsubok na pinagdaanan ng pamilya; ‘Huwag Kang Mangamba’ napapanahong teleserye

    SAKTONG isang taon na pala ng mag-positive sa Covid-19 ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez, na hanggang ngayon ay kinatatakutan pa rin sa buong mundo ang nakamamatay na virus.     Naging matindi nga ang pagsubok na hinarap ng mag-asawa noong isang taon, unang nag-positive noong March 16, 2020 si Papa Art at paglipas […]

  • Bukod sa repeat ng ‘Dear Heart: The Concert’ next year: SHARON at GABBY, willing nang magtambal para sa reunion movie

    BALIK-DRAMA si Claudine Barretto, with “Lovers/Liars” na isang co-production venture between Regal Entertainment and GMA Network. Inspired ito ng film ni Joey Reyes na “Bayarang Puso” na tungkol sa romance between rich woman and a younger man, na dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach.      Ang huling teleserye ni Claudine sa GM,A […]