• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagkikita ng pamilya Hidalgo sa action-serye: SHARON, sinabihan si COCO na gumawa ng special episode dahil bitin ang loveteam nila ni JULIA

THIS week, dalawang magkasunod na malungkot na post ni Megastar Sharon Cuneta sa IG account niya, na kung saan humihingi siya ng prayers para sa malapit na kaibigan at pamangkin na parehong may malubhang sakit, dahil hindi na kakayanin ng puso niya kung may susunod na mawawala uli.

 

Kaya masaya naman ang pinost niya, ito ay ang sweet photos nila ni Julia Montes na itinuturing na niya na ikaapat na daughter.

 

Caption ni Mega, “Gusto ko naman magpost ng masaya kasi ayoko kayo malungkot…These were taken last Sunday, August 14 at our #fpjsangprobinsyano party with our bosses and all of us the cast at @manila_house.

 

“I was so sad before this day, and even after…but I was so very happy to be reunited with my family, my “happy,” again – especially with my baby girl, my “Mara/Maria Isabel” whom I really, really love so much! ❤️😘🥰😊🤗 I love and cherish you, my Julia. Thank you for loving me and being my daughter.❤️❤️❤️”
Ni-repost din niya ito, @montesjulia08 “just so thankful for the love and thoughtfulness of my Mommy Sharon…..@reallysharoncuneta

because of FPJAP gained a mommy … love you ❤️😘”

 

Sumunod na masayang post ni Sharon… ang photo ng Hidalgo family…

 

Sabi ng premyadong aktres, “Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon.

 

Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni
Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar, Aurora at Mara!

 

“Natawa lang anak ko at miss na daw nila ako 😂😂😂Eh kasi sabi ko dami nabitin lalo na ako! ❤️🥰”P.S. Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh!🤗”

 

Oh well, wait na lang natin ang magiging sagot ni Coco at ng ABS-CBN kung posible nga bang magkatotoo ang wish ni Mega.

 

***

 

ISA na namang kakaibang weekend ang mararanasan sa pagbisita ni Sen. Imee Marcos sa Cebu City at sa isang Chinese temple sa Maynila para sa dalawang espesyal na vlog entries na tiyak na
kagigiliwan ng mga travel aficionados at ng kanyang mga taga-suporta.

 

Noong Biyernes, Agosto 19, sa Cebu ang unang pitstop ng walang pagod na Senadora kung saan ipinagpatuloy niya ang kanyang Pasasalamat tour para sa mga sumuporta kay President Bongbong Marcos nuong nakaraang eleksyon.
Binisita din ni Imee checked ang mga sikat na food parks ng Cebu gaya ng Sugbo Mercado sa IT Park, Ayala Food Park, at Carbon Market kung saan sinalubong siya ng mga Cebuano ng buong pagmamahal habang sumayaw siya kasama ang mga lokal na deboto habang hawak niya ang mahal na imahen ng Sto. Niño de Cebu.

 

Ipapakita din sa vlog ang mga highlights ng Pasasalamat tour sa Marikina, Davao, at Ilocos.

 

At ngayong Sabado, Agosto 20, ipakikita ni Sen. Imee ang highlights ng kanyang pagbisita sa Tzu Chi Foundation sa Santa Mesa, Manila kung saan sinilip niya ang templo, na nagsisilbi ding tahanan ng founder nito; at pati na rin ang isang kakaibang café kung saan hinainan siya ng sobrang-sarap na vegan dishes.

 

Ipakikita rin sa vlog ang ilang snippets ng pagpupulong ni Sen. Imee kasama ang Tzu Chi founder kung saan inupuan nila kung paano tutugunan ang mga natural calamities at pati na rin ang mga karagdagang plano na makakatulong sa gobyerno sa pagharap nito sa mga sakuna at upang masolusyunan ang epekto nito sa buhay ng mga Pilipino.

 

Samahan natin si Sen. Imee sa kanyang Cebu and Manila adventures at nag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Walang dapat i-explain at i-satisfy na curiosity: XIAN, dedma lang balitang naghiwalay na sila ni KIM

    IKINAGULAT ni Kapuso Actress Carla Abellana nang may magtanong sa kanya sa mediacon ng “Stolen Life” ng GMA Network tungkol sa balitang may sikat na actor siyang boyfriend ngayon.     Kaya naisagot niya agad ay, “wala naman po, walang artista o actor or anything, wala pong ganoong eksena.”     Pero kung sakali ba […]

  • LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA

    PATAY  ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras .     Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP)  Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob. […]

  • Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko –Bong Go

    UPANG malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto.   Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good […]