• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagsabak din sa maiinit sa eksena: MAVY, puring-puri ang mahusay na pagganap ni ZOREN

IDOL ng SPARKADA member na si Sean Lucas ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix.

 

 

Bilib nga raw si Sean sa talento na pinapakita ni Miguel. Magaling daw kasi itong kumanta, sumayaw at umarte. Para sa kanya ay triple threat si Miguel.

 

 

Noong mag-audition nga raw si Sean sa GMA Artist Center, umarte daw siya at ang ginamit niyang monologue ay galing sa isang teleserye na pinagbidahan ni Miguel.

 

 

“Ang galing niya umarte. And aside from that, what I really idolize about him is sobrang galing niya rin talagang sumayaw. At tsaka in terms of fashion din, ang galing niya pumorma.

 

 

“So, lahat ng iyon, ‘yun ‘yung reasons kung bakit idol na idol ko siya. Noong audition ko nga po, ‘yung monologue niya po ‘yung ginamit ko kasi sobrang ina-idolize ko po talaga siya do’n.”

 

 

Magagamit na nga raw ni Sean ang mga natutunan niya sa naging acting workshops nila sa upcoming Kapuso kilig series na LUV IS: Caught in his Arms na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

 

Kasama rin sa LUV IS ang ibang SPARKADA na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

 

 

***

 

 

NAGPAPASALAMAT si Zoren Legaspi sa kanyang anak na si Mavy Legaspi dahil sa pagpuri nito sa pagganap niya bilang si Cesar sa top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit.

 

 

Bukod kasi sa pagsabak ni Zoren sa mga maiinit na eksena kasama si Lianne Valentin, lumalabas na ang pagiging mapaglinlang, masama at ganid na tao na handang manakit at pumatay makuha lang ang gusto niya.

 

 

Sa Instagram Story ni Mavy, pinost niya ay: “Just wanted to say how proud I am of my Tatay, @zoren_legaspi. Yes, he is known as an Action Star and is given little credit when it comes Drama.

 

 

“But with this show, he definitely shut everyone up. I saw how he worked for this character and the effort he put in to prove himself that he can achieve so much more as an actor.”

 

 

Ni-repost ni Zoren ang IG Story ni Mavy at nilagyan niya ng caption na: “Maraming salamat anak @mavylegaspi sa pag puri mo sa amin ng nanay mo. Mabuti nakikita mo ang aming pagsisikap sa pagganap ng aming karacter sa aming palabas. Isang karangalan para sa amin na mabati mo kami. Salamat anak.”

 

 

Bukod kasi sa mahuhusay na co-stars ni Zoren na sina Lianne, Mikee Quintos, Carlos Siguion Reyna, Patricia Ismael at Maricel Laxa, nagpapasalamat ang aktor sa pagdirek sa kanya for the first time ng award-winning director na si Laurice Guillen.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sina Bette Midler, Kathy Najimy at Sarah Jessica Parker bilang the Sanderson Sisters sa sequel ng 1993 Halloween comedy na Hocus Pocus.

 

 

Nilabas na ng Disney ang trailer ng Hocus Pocus 2 at magsisimula na itong ma-stream sa Disney+ on September 30.

 

 

Hindi raw nagdalawang-isip ang tatlong aktres na muling buhayin ang mga characters nila bilang makakapatid na witches na ninanakaw ang kaluluwa ng mga bata sa Salem, Massachusetts para manatili silang buhay at sariwa.

 

 

“It’s been 29 years since someone lit the Black Flame Candle and resurrected the 17th-century sisters, and they are looking for revenge. Now it is up to three high-school students to stop the ravenous witches from wreaking a new kind of havoc on Salem before dawn on All Hallow’s Eve,” ayon sa Disney release.

 

 

Kasama sa cast ng Hocus Pocus 2 sina Tony Hale, Sam Richardson, Whitney Peak, Belissa Escobedo, Lilia Buckingham, Doug Jones, Hannah Wittingham at Froylan Gutierrez.

 

 

(RUEL J, MENDOZA)

Other News
  • Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865

    Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414.     Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay.     Nasa 16 naman ang bagong ulat […]

  • 5 NSA tinanggap ng POC

    MAY limang National Sports Association (NSA) ang naging bagong miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) sa huling virtual general assembly meeting ng organisasyon.   Ang mga bagong pasok, ayon ayon kay POC president Abraham Tolentino ay ang Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI), Philippine Underwater Hockey Confederation PUHC), Polo Federation of the Philippines (PF), Philippine […]

  • Expired na booster, itinanggi ng DOH

    ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na mayroon ng mga nag-expire na mga booster shots  na ginagamit sa kasalukuyang ‘vaccination campaign’ ng pamahalaan.     “There is no truth that what we are distributing as booster shots are expired,” giit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.     Ipinaliwanag ni Vergeire na may ‘extended shelf […]