• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865

Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414.

 

 

Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay.

 

 

Nasa 16 naman ang bagong ulat na binawian ng buhay kung kaya’y lumobo na sa 12,107 ang total domestic deaths. Sa kabila niyan, higit na marami ang ligtas na sa panganib sa 522,941.

 

 

Anong bago ngayong araw?

  • Posibleng mapinal na ang petsa ng pagdating ng COVID-19 vaccines mula sa British-Swedish firm na AstraZeneca sa susunod na linggo matapos matiyak ng gobyerno ang lahat ng mga requirements na hinihingi ng WHO-led COVAX facility. Nakatakdang makakuha ng 5.5 milyon hanggang 9.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang Pilipinas ngayong 2021.
  • Pinapapaspasan ngayon ng Bayan Muna party-list ang pagpasok ng iba pang COVID-19 vaccine brands sa Pilipinas matapos isiwalat ng Food and Drug Administration na hindi nila mairerekomenda sa healthcare workers at senior citizens ang pagtuturok ng bakuna mula sa Chinese manufacturer na Sinovac: “Bakit kasi parang sa Sinovac/CoronaVac lang parang nakaasa ang vaccination program ng administrasyon?” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kanina.
  • Sa kabila ng mga delay sa pagdating ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, inilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nangyayari lalo na’t “responsibilidad ng manufacturers” daw ang shipping nito.
  • Ikinatuwa naman ng OCTA Research Team kanina ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang planong  transition ng buong Pilipinas sa pinakamaluwag na MGCQ sa Marso dahil na rin sa papalalang epekto ng pandemya. “Tamang tama din ang pahayag na hindi muna magoopen up or mageease ng restrictions ng quarantine dahil nakakita tayo ng bahagyang pag-increase [ng Covid cases],” ani Dr. Butch Ong.
  • Tutol naman si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na magpatupad ng pinakamahigpit na lockdown sa kanilang probinsya sa gitna ng pagtaas ng mga kaso roon at pagpasok ng dalawang mutations ng COVID-19.
  • Iminumungkahi naman ngayon ng Department of the Interior and Local Government na tanggalin na bilang rekisitos sa pagbiyahe ng mga turista sa Pilipinas ang COVID-19 tests bilang bahagi ng pagpapasigla sa turismo at ekonomiya ng bansa.
  • Umaabot na sa 111.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, halos 2.5 milyon na ang binawian ng buhay.
Other News
  • Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte

    IBINASURA  ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito.     Una nang inihain ni  Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor. […]

  • Alden, naalala kung paano nahirapan sa umpisa 10 years ago

    Kahit na ang mga unang taon sa industriya ay hindi naging madali para kay Alden Richards, hindi siya sumuko para marating ang kanyang mga pangarap.   Ngayong 2020, 10 years na si Alden sa showbiz.   At malinaw pa sa kanya kung paano siya nangarap noon.   “When I was starting, ang dami kong panga­rap, […]

  • TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”

    Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program.   Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran […]