• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagsulong kina Vice Ganda at Angel… DINGDONG, pasok na sa survey na puwedeng tumakbong Senador

MULI ngang lumitaw ang posibilidad daw na pagtakbo bilang Senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa darating na mid-term elections sa 2025.

 

 

 

Tuloy-tuloy pa rin kasi ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera lalo na nung katatapos na mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina, na kung saan namigay sila ng higit 700 relief packs.

 

 

 

Siyempre isang reservist ng Navy si Dingdong kaya tumulong ang aktor.

 

 

In fairness, pasok sa survey si Dingdong among sa mga senatoriables.

 

 

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagkandidato ni Dingdong kasama ang dalawa pa niyang kapuwa artista na sina Vice Ganda at Angel Locsin na sinasabing pantapat daw sa magkakapatid na Duterte na muling tatakbong senador.

 

 

***

 

 

MARAMI ang interesadong malaman kung ano na raw ang estado ng lovelife ng tinaguriang Asia’s Multi media Star na si Alden Richard.

 

 

Sa interbyu kay Alden ng King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay hindi deretsahang sinagot si Kuya Boy hinggil dito.

 

 

Pero may pangako ang best aktor ng 40th Star Awards for Movies.

 

 

“Honestly naman I enjoying my time. Pero….ito na lang, just to settle this question. Magpapa-presscon ako, pag mag-aannounce na ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” seryosong saad ng sikat na Kapuso aktor.

 

 

Dagdag pa ni Alden, na tatlong taon mula ngayon ay gusto na raw niyang lumagay sa tahimik.

 

 

Pinagpiyestahan pa rin naman hanggang ngayon ang patuloy na pagkaka-link sa “Hello, Love, Again” co-star niyang si Kathryn Bernardo, na kagagaling lang sa failed relationship last year.

 

 

Pero wala pa silang inilalabas na ano mang pahayag tungkol sa real-score sa kanila maliban sa makahulugang, “what you is what you get” na sinabi ni Alden sa isang panayam.

 

 

“She’s more mature now. She’s very much excited to try new things kaya nakakatuwa na sa proseso na yun magkasama kami, of course, while doing this film.” kuwento pa rin nj Alden.
Nasa Canada sina Alden at Kathryn para sa shooting ng “Hello, Love, Again”.

 

 

 

Ayon kay Alden, excited siya sa sequel na ito ng “Hello, Love, Goodbye”, na kumita ng PHP880 worldwide gross noong 2019.

 

 

 

Ito ang highest grossing Filipino film bago ito napalitan ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Rewind.”

 

 

Samantala si Alden nga ang tinanghal bilang Movie Actor of the Year para sa “Five Breakups and a Romance” at ka-tie niya si Dingdong Dantes para sa naman sa “Rewind”.

 

 

 

Labis ang pasasalamat ni Alden sa karangalang naipagkaloob sa kanya ng PMPC at Star Awards for Movies.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?

    WALA.     Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya.     Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng […]

  • Tinawag na ‘patron ng mga tanga sa pag-ibig’: ANGELICA, nagpasalamat sa netizen at sinabing titila rin ang ulan ng kamalasan

    SUMAGOT at nagpasalamat si Angelica Panganiban sa tweet ng isang netizen na kung tinawag siyang ‘santa’.   Ayon sa tweet ni @mckmaquino, “Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman dyan @angelica_114 😂 #SanaAll.”     Sagot naman ni Angge, “Salamat 🤭 hintayin mo lang, […]

  • Paraan ng ginawang rejection sa resignation ni Speaker Cayetano ng mga kongresista, legal – Sec. Roque

    PARA sa Malakanyang, legal at walang mali sa ginawang botohan sa hanay ng mga Kongresista kasunod ng mosyon ni Congressman Mike Defensor na i- reject ang ginawang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.   Bilang isang abogado ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang nangyaring paglabag sa rules kaugnay ng nangyari kahapon sa plenaryo […]