Bukod sa tuluy-tuloy na ang pagti-taping nila ni Bea: ALDEN, happy na maraming makapapanood ng serye nila at tuloy ang US concert tour
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
TULUY-TULOY na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagti-taping ng first teleserye nila ni Bea Alonzo sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up na malapit-lapit na ring mapanood.
Happy rin ngayon si Alden na nagsimula nang mapanood sa Netflix ang The World Between Us, ang drama series kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.
Magiging available din ito for streaming on Amazon Freevee starting on June 22, 2022. Ang Amazon Freevee ay dating IMDb TV, a streaming video service with thousands of premium movies and TV shows, including originals and FAST channels, na available anytime. At for its premiere offering nga, GMA International will launch the romance drama series.
Looking forward din si Alden na after ng taping ng Start-Up Philippines, ay tuloy na rin ang kanyang “Forward Alden Richards US Tour,” coming this August to September with special guest. The concert will be produced by Alden’s AR Productions, for his AR Foundations, Inc.
Excited na si Alden, dahil this will be his first live concert after almost three years due to the pandemic na pinagdaanan natin.
***
STARTING today, June 20, last two weeks na lamang mapapanood ang pinag-uusapang romantic-drama series na First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Kaya mas kaabang-abang ang mga susunod na eksena; Ngayong nakaligtas na ang first family ni President Glenn Acosta (Gabby), sa assassination attempt ni Sen. Allegra (Isabel Rivas), marami pa ring mga katanungan na dapat masagot.
Malaman kaya ni PGA kung sino ang nagtangka sa buhay nila? Si Ingrid (Alice Dixson) ay makapagsalita pa kaya, dahil siya ang nakakaalam ng plano ni Allegra?
At isa pang aabangan ay kung sinu-sino ang mga special guests na papasok sa serye, ayon na rin kay Gabby, na ikinuwentong natuwa siya nang makita niyang nagti-taping na sila. Ano kaya ang magiging kaugnayan nilang tatlo sa buhay ng first family?
Don’t miss First Lady sa natitirang 10 nights nito simula ngayong gabi after 24 Oras sa GMA-7.
***
PAPALIT naman sa First Lady ay ang matitinding action scenes sa upcoming dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, ang Lolong.
Gaganaap dito bilang Lolong si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid. Isang mahabang teaser ng serye ang ipinakita, kaya maraming tanong ang mga netizens.
Ilang tanong ay ano ba ang mga Atubaw at bakit sila gustong ubusin ng mga armadong lalaki? Dito ay nakipalabang si Lolong sa mga Atubaw, na tanong ay bakit berde ang kulay ng mga mata niya at bakit nawala kaagad ang mga sugat niya? Ano ang sikreto ni Lolong na kahit siya ay tinatanong ang sarili niya?
Si Lolong ay isa lamang pangkaraniwang magniniyog, na matutuklasan ang hindi pangkaraniwang kakayahan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.
More on Lolong na magsisimula nang mapanood sa July 4.
(NORA V. CALDERON)
-
Tagumpay ng Pinas laban sa COVID-19, masyado pang maaga para ideklara-Nograles
WALANG balak ang Malakanyang na ideklara ang pagkapanalo ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic. Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, marami pang tao sa bansa ang hindi pa nababakunahan. Ang pahayag na ito ni Nograles ay kasunod ng ulat na ang Kalakhang Maynila, epicenter ng […]
-
Sandoval mapalad sa dyowa
SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II. Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan. […]
-
South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM
GINAMIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea. Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus” ang rehiyon para sa armed conflict. Sa 42nd ASEAN Summit Retreat Session, ipinahayag ng Pangulo […]