Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito.
Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila.
Labis naman itong ikinatuwa ng magkapatid na Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na parehong nagpasalamat sa mga partner nila sa lokal na pamahalaan, lalo sa mga opisyal at empleyado, sa halip na akuin ang panibagong recognition ng lungsod.
“We are happy and grateful to receive such great news. Amid the COVID-19 pandemic, this citation serves to bring us renewed hope and cheer,” ani Mayor Toby.
“We thank and laud everyone—all departments and offices—who worked hard for us to achieve this. May we continue to uphold the highest standards of public service and always give our best for the benefit of our people,” dagdag ng alkalde.
Nagkakaloob ang COA ng “unmodified opinion” sa pambpublikong institusyon na nagpresenta ng kalagayang pinansyal at daloy ng pananalapi sa patas na paraan alinsunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards.
Noong Pebrero, pumasa rin ang Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang GFH ay bahagi ng Seal of Good Local Governance, ang pinakamatas na parangal na ipinagkakalaoob ng DILG. (Richard Mesa)
-
Nasunugan sa Tondo, binisita ni Isko
BINISITA ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang halos 2,000 pamilyang nasunugan sa evacuation center. Partikular na pinuntahan ng dating alkalde ang General Vicente Lim Elementary School kung saan isa-isang kinumusta ang kalagayan ng bawat pamilyang nawalan ng tirahan. Ayon kay Domagoso, batid niya ang hirap ng pinagdadaanan ng mga […]
-
Kaso ng mpox sa bansa nasa 15 na – DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa. Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley. Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng […]
-
Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas
NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw. Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac […]