• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan airport magiging airport gateway sa Luzon

ANG bagong itatayong Bulacan airport ay isang proyektong makapagbibigay ng tulong sa programa ng pamahalaan upang lumuwag sa Metro Manila at mapalago ang regional development sa buong Luzon.

 

Si Senator Go ang isa sa nag nag co-sponsored ng House Bill No. 7507 ang isa sa magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng franchise upang magtayo, pagpalago, gumawa, mangasiwa, at mamahala sa domestic at international airport at sa adjacent airport sa Bulacan, Bulacan.

 

Sinabi Go na binibigyan niya ng suporta ang plano na magbukas ng bagong airport sa Bulacan at siya ay nagpapasalamat sa tulong ng San Miguel Corp.

 

“The new airport would complement the government’s Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Programwhich encourages Metro Manila residents to explore better economic opportunities at start anew in their home provinces. This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand-in-hand in building a better future for our people,” sabi ni Go.

 

Ayon kay Go, ang proyekto ay makapagbibigay ng solusyon sa madaming problema sa capital, lalo na nagyon nasa gitna tayo ng paghina ng economy dahil sa coronavirus disease pandemic.

 

Makakatulong ang pagtatayo ng Bulacan airport ng matagal sa pagbibigay ng trabaho at iba pang economic opportunities sa labas ng Metro Manila na siyang makapagbibigay ng solusyon upang maging maluwag ang mga urban areas.

 

Ang bagong itatayong Bulacan airport ay magiging kaagapay ng mga proyektong tulad ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program na naglalayon na mapaganda ang infrastructure, magbigay ng trabaho, itaas ang pamumuhay ng mga tao sa mga magkakalapit na lugar, at mabawasan ang pagsisikip sa Metropolis.

 

Samantala, sinabi naman ni SMC president at COO Ramon Ang na magsisimula na ang construction ng P734 billion na airport ngayon buwan. Ayon kay Ang, ang unang phase ng proyekto ay ang pagtatayo ng dalawang (2) runways na inaasahang matatapos sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na taon.

 

Ang House Committee on Ways and Means naman ay binigyan ng tax provisions ang proposed na legislative franchise na siyang magiging daan sa SMC sa pagtatayo at pangangasiwa ng 2,500-hectare na “Airport City sa Bulacan.

 

Ang pagtatayo ng airport ay makapagbibigay ng approved na tax exemptions sa SMC sa loob ng sampung (10) taon.

 

“These include exemptions from the payment of all direct and indirect taxes, as well as fees which emanate exclusively from the con- struction, development, establishment and operation of New Manila International Airport and its commercial complex,” dagdag ng SMC.

Other News
  • Lambda variant nakapasok na sa Pinas

    Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda va­riant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH).     Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing […]

  • Kumalat na fake news, ‘di talaga kapani-paniwala: KRIS, itinanggi na ikakasal na sa kanyang physician boyfriend

    KUMALAT nga ang balitang ikakasal na raw si Queen of All Media Kris Aquino sa physician boyfriend na si Dr. Michael Padlan na nagwo-work sa Makati Medical Center.   Ipinagkakalat ng isang poser sa Facebook post na nakatakda na raw ang intimate wedding na gaganapin sa isang events place sa Makati City, na ipinakita ang […]

  • Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

    Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.     Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.     Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]