• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga.

 

 

May temang “Unang Republikang Pilipino: Sandigan ng Nagbabagong Panahon”, binigyang diin ni Fernando ang diwa ng pagdiriwang ng Araw ng Republika at ang ginampanan ng Lalawigan ng Bulacan sa pagkamit ng pambansang kasarinlan.

 

 

“Ang Araw ng Republika ay pagdakila sa lalawigan ng Bulacan at sa kanyang hindi malilimutang gampanin sa kasaysayan ng pambansang katubusan. Ang diwa nito ay maging karapat-dapat sa lahat ng mabubuting bagay na ipinaglaban ng ating mga ninuno—ang kahalagahan ng pagtatanggol sa ating demokrasya, pagdamay at pagmamahal sa kapwa, respeto sa kalikasan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng banal na takot sa Diyos, sapagkat ito ang siyang bukal ng tunay na karunungan,” anang gobernador.

 

 

Dumalo rin sa programa sina Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, National Historical Commission of the Philippines Representative Rosario V. Sapitan, Lungsod ng Malolos Mayor Gilbert T. Gatchalian, Vice Mayor Noel G. Pineda, PCol. Rommel J. Ochave of PNP Bulacan at Rev. Fr. Domingo Salonga upang saksihan ang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng monumento ni Hen. Emilio Aguinaldo.

 

 

Ang Republika ng Pilipinas, na nailalarawan bilang unang wastong republikang konstitusyonal sa Asya, ay itinatag noong Enero 23, 1899 ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Bulacan noong Rebolusyong Pilipino at Digmaang Espanyol-Amerikano. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Fans And Moviegoers May Get Advance Tickets For Warner Bros.’ “Black Adam”and Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever.”

    FANS and moviegoers may get advance tickets now to see Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam” on the BIG SCREEN and be one of the first in the world to see it on Oct 19.   About “Black Adam”   From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The […]

  • 9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, nasa Camp Crame na

    Inilipat na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.   Saad ni Banac, personal na hinatid ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General Manuel Abu ang siyam na […]

  • DILG binalaan ang mga kandidato bawal ang anumang ‘physical contacts’ sa kampanya

    BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para May 2022 elections.     Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay […]