• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.

 

 

Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree at Parada ng Bulacan Christmas Carroza”, pangungunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis Castro ang pag-iilaw ng libu-libong puti, asul at berdeng LED na ilaw na nakabalot sa buong higanteng Christmas Tree.

 

 

Bago isagawa ang pag-iilaw, ginanap ang parada ng Bulacan Christmas Carozzas mula sa Malolos Sports Convention Center hanggang sa Bakuran ng Kapitolyo.

 

 

Gayundin, haharanahin ng Hiyas ng Bulacan Brass Band ng mga Christmas classic na awitin ang mga Bulakenyong dadalo.

 

 

“Damang dama na po natin ang simoy ng Kapaskuhan. At dito sa Kapitolyo, opisyal nang sisimulan ang Paskong Bulacan sa pamamagitan ng pag-iilaw ng ating Christmas Tree bukas na hudyat na papalapit na ang ating muling paggunita sa pagsilang ng ating Dakilang Tagapagligtas. Sana po ay makiisa kayo at inyong saksihan ang taunang gawain nating ito,” anang gobernador. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • LeBron at Lakers lumakas ang loob na babandera muli sa NBA dahil sa 11 bagong teammates

    Lumakas daw ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makabangon mula sa pagkabigong maidepensa ang kanilang korona noong nakalipas na NBA season.     Ito ay makaraang makuha ng team ang umaabot sa 11 mga bagong players kasama na ang dating MVP na si Russell Westbrook mula sa Wizards.     Ang ilan sa […]

  • Ads September 21, 2020

  • Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi

    Malinaw sa mga ­naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.     Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido […]