Bulacan, isinusulong ang mas pinalakas na mga kooperatiba, inilunsad ang GO KOOP Dashboard
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
TUNAY na isinasabuhay ng Lalawigan ng Bulacan ang reputasyon nito bilang “Cooperative Capital of the Philippines” sa paglulunsad ng kanilang makabagong GO KOOP Dashboard na pinasinayaan noong Oktubre 5 sa Victory Coliseum sa San Rafael, Bulacan sa ginanap na Kick -Off Ceremony at Motorcade para sa pagdiriwang ng 2024 Cooperative Month.
Sa temang, “Empowering Cooperatives, Transforming Communities”, layon ng proyektong ito, sa kolaborasyon ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC), na baguhin ang pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng paglikha ng isang standardized system na magbibigay ng tumpak at kumprehensibong impormasyon sa mga kooperatiba sa Bulacan. Ang data na ito ay magiging napakahalaga para sa mga stakeholder sa kanilang patakaran, programa, at pagpaplano ng proyekto, at maging sa paggawa ng mga desisyon na batay sa datos.
Bilang bahagi ng programa, nilagdaan ng mga kalahok ang Wall of Commitment at nanumpa na susuportahan ang GO KOOP Dashboard. Ang pangakong ito ay ginawa ng Cooperative Development Authority, mga opisyal ng Provincial Cooperative Development Council – Bulacan, Liga ng mga Cooperative Development Officer sa Pilipinas, Inc. – Bulacan Chapter, City/Municipal Cooperative Development Officers and Councils, at sama-sama silang nangako na mapahusay at mapanatili ang organisado, napapanahon na impormasyon sa mga kooperatiba sa lalawigan, na napakahalaga para sa pagpaplano ng programa sa pagpapaunlad ng kooperatiba at paggawa ng desisyon na batay sa datos.
Habang naghahatid ng kanyang pangunahing talumpati, pinuri ni dating Cooperative Development Authority (CDA) Chairperson at kasalukuyang City Development Officer Lecira V. Juarez ng Taguig City ang lalawigan sa pagpapatupad ng monitoring dashboard at binigyang diin ang kahalagahan ng naturang tool sa pagsasabing ito ay nagbibigay ng solidong plataporma para sa mabisang pagsubaybay sa paglago at pag-unlad ng mga kooperatiba sa lalawigan.
“More than 300, 000 lives ay nakasandal po sa inyo, kaya when we speak of empowering cooperatives, ang sabi ‘nga po nila, how can we empower the structure kung tayo po na nakapaloob sa istruktura ay hindi po empowered? Nakuha po ninyo ako doon? So, when we speak of empowering cooperatives, let us start with ourselves, magsisimula po tayo sa ating mga sarili, bakit? Dahil sabi ‘nga po nila, we can never give what we don’t have, tama po ba? So dyan ko po sisimulan ang ating pagpupugay,” ani Juarez.
Hinikayat naman ni Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro at Juarez ang mga panauhin sa pagdiriwang na magkaroon ng aktibong papel sa pagsusulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa at pagpapahusay sa buhay ng mga marginalized na komunidad.
Iminungkahi din ng The People’s Governor ang pagtatatag at pagpapalawak ng mga kooperatiba sa loob ng iba’t ibang organisasyon bilang isang praktikal na paraan upang matulungan ang mga nangangailangan.
“Bakit hindi po natin gawing maging mayabong at palakasin natin ang grupo ninyo? Bago kayo tumulong sa iba, tulungan muna ang inyong mga members, ‘yung pamilya ng inyong mga members, bakit hindi kayo magtayo ng koop, ano po? Sa koop, may pag-asa ka, sa koop, may pag-unlad ka, sa koop, may kinabukasan ang pamilya mo, ‘yan po ‘yan,” dagdag ni Fernando.
Ang Buwan ng Kooperatiba ngayong taon ay punumpuno ng mga kapana-panabik na aktibidad na tiyak na magpapasaya sa lahat kabilang na ang League of Cooperative Development Officers of the Philippines (LCDOP) Bulacan Chapter Bowling Tournament sa Lungsod ng Baliwag sa Oktubre 11; 11th Regional Kooplympics sa Baler, Aurora sa Oktubre 18; at ang prestihiyosong Gawad Galing Kooperatiba sa Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center (HBCC) sa Oktubre 30.
Bukod dito, nakatakdang maganap ang 3rd Central Luzon Tripartite Conference for Coop Development sa Venus Parkview Hotel sa Baguio City sa Nobyembre 20-22.
Bago nagsimula ang lahat ng kasiyahan, isang Capacity Development Training on Investment Promotion and Facilitation ang idinaos noong Oktubre 4 sa Balagtas Hall, HBCC.
Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad sina Regional Director Marieta P. Hwang ng CDA Region 3, na kinatawan ni Acting Supervising CDS Carolina M. Miguel, kasama sina Leilani N. Babista, Chairperson ng PCDC-Bulacan, at Jon Louie P. Santiago, Presidente ng LCDOP-Bulacan.
-
Pacquiao vs Terence inaayos
ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA. Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle […]
-
Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title
Napasakamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games. Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]
-
Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO
ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito. Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng […]