• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, kaisa ng bansa sa pag-obserba ng DPRM 2021

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th  Development Policy Research Month (DPRM) sa darating na buwan ng Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may tema ngayong taon na “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya”.

 

 

Layon ng obserbasyon sa taong ito na talakayin ang pangangailangang i-reset ang mga nakasanayang mga gawi upang maitaguyod muli ang Pilipinas pagkatapos ng pandemyang COVID-19 at lumikha ng isang mas mahusay na bansa sa pamamagitan ng pagbabalanse ng interes ng mga tao, kita o pagbibigay ng pantay na kahalagahan sa ekonomiya, lipunan at kapaligiran.

 

 

Bilang paraan ng pakikiisa at pagpapakita ng suporta, hinihimok ng PIDS ang bawat lokal na pamahalaan, mga ahensiya, organisasyon at iba pa na i-display ang pisikal o electronic banner ng DPRM sa kanilang mga tanggapan at opisyal na website at sa pag-follow sa kanilang social media pages para sa mga karagdagang mga anunsyo at update.

 

 

Isang virtual kick-off forum din ang isasagawa sa Setyembre 2, 2021, ganap na ika-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng Cisco Webex na ipalalabas din sa publiko sa Facebook page ng Philippine Institute for Development Studies na dadaluhan ng mga panelista mula sa iba’t ibang sektor upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa nasabing tema habang ang 7th Annual Public Policy Conference (APPC) naman ay isasagawa sa pamamagitan ng webinar na may apat na bahagi na gaganapin sa Setyembre 14, 16, 21 at 23, sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

 

 

Samantala, inihayag naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng DPRM lalo na at bibigyang pansin nito ang epektibong pagpaplano at paggawa ng mga patakaran na makatutulong hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.

 

 

“Taun-taon ay napakaganda at napakahusay ng layunin ng DPRM; lalo na ngayong taon kung saan ay tatalakayin ng lubusan ang pagsasaayos ng mga pamamaraan sa pagpapabuti ng ating bansa ngayong tayo ay kasalukuyang dumaranas ng pandemya. Mahalagang mabuksan ang kamalayan ng publiko sapagkat ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin,” anang gobernador.

 

 

Ang buwan ng Setyembre bawat taon ay idineklarang Development Development Research Month (DPRM) alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247 ng Malacañang noong Setyembre 2002 na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagsasaliksik sa kaunlarang sosyo-ekonomiko ng bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Unang COVID-19 Lambda variant case sa ‘Pinas buntis, Western Visayas ‘local infection’ — DOH

    Nagdadalang-tao ang unang kaso ng “Lambda variant” ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na maaaaring sa loob na raw ng bansa naipasa sabi ng Department of Health (DOH).     Linggo lang nang kumpirmahin ng DOH na isang 35-anyos na babae ang nadali ng Lambda variant, na unang namataan sa Peru. Sinasabing wala siyang sintomas […]

  • Top 3 most wanted person ng NPD, nasilo sa Caloocan

    ISANG lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Kalbo”, 39 ng Brgy., 176, Bagong Silang ng lungsod.   […]

  • Chemistry tututukan ni Sotto

    Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar.     Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng ma­gandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang […]