• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, kaisa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s month

LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa ng bansa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” sa Oktubre 21, 2022 sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan.

 

 

May temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang Pangarap at Hangarin”, layunin ng pagdiriwang na itaas ang kamalayan ng publiko at suportahan ang kultura ng katutubo sa lalawigan.

 

 

Inaasahang magbibigay ng kanilang mensahe tungkol sa pagpapalakas at pagpapanatili ng katutubong kultura sina Gobernador Daniel R. Fernando, Abgd. Antonio A. Roman, OIC-Regional Director III ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Gng. Regina Panlilio, Chief of NCIP-Bulacan.

 

 

Samantala, umaasa naman si Fernando na bibigyang respeto ng mga Bulakenyo ang mga Dumagat sapagkat mayroon din itong mahalagang bahagi sa lalawigan.

 

 

“Ang kalalawigan nating mga Dumagat na naninirahan sa bulubunduking lugar sa Norzagaray ay katuwang natin sa paglilinang ng ating mga lupain na nakatutulong din upang maiwasan ang matitinding epekto ng mga sakuna. Marapat lang na bigyan natin sila ng pagkilala at respeto, at ang pagpapahalaga sa kanilang mayamang kultura at tradisyon ay ilan sa paraan upang ito ay maisakatuparan,” ani Fernando.

 

 

Alinsunod sa Proclamation No. 1906, Series of 2009, ang buwan ng Oktubre kada taon ay idinideklarang ‘National Indigenous Peoples Month’. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Matapos na muling manalo bilang US prexy: PBBM, binati si US President -Elect TRUMP

    NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President-elect Donald Trump kasunod ng tagumpay nito sa kamakailan lamang na eleksyon.   Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo para sa mas mabunga at dynamic na partnership sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.   Sa isang kalatas, binati ni Pangulong Marcos kapwa sina President-elect […]

  • DOTr, nagpaaalala sa mga transport group ukol sa 20% discount ng mga estudyante

    PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga public transport sa umiiral na 20% discount, kasabay ng muling pagbabalik eskwela. Ayon sa ahensiya, kailangang bigyan ng transport group ang mga estudyante ng akmang discount dahil isinasaad ito ng batas, partikular na ang Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na unang pang inaprubahan […]

  • Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez

    ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos  ang pag-uusap hinggil sa pag-identify  ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.     Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa.     Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez  na nagsimulang pagtuunan ng […]