• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, nagluksa sa pagpanaw ni Bokal Toti Ople

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagluluksa ang Lalawigan ng Bulacan kasunod ng hindi inaasahang pagpanaw kahapon, Hulyo 13, 2023, ni Bokal Felix “Toti” V. Ople ng Unang Distrito, isa sa mga batikang lingkod bayan at mambabatas ng Sangguniang Panlalawigan.

 

 

Tumagal ng ilang dekada ang serbisyo publiko ni Ople kung saan isang termino siyang nanungkulan bilang konsehal mula 1995 hanggang 1998 at tatlong termino bilang Punong Bayan sa Munisipalidad ng Hagonoy mula 1998-2007. Pinarangalan siya bilang Most Outstanding Mayor ng Gintong Kabataan Awards dahil sa natatangi niyang pagganap bilang lokal na ehekutibo sa mga taong 2005, 2006 at 2007.

 

 

Bilang isang mambabatas, nag-akda siya ng mga makabuluhang ordinansa na nagkaroon  ng positibong epekto sap ag-unlad ng lalawigan. Kabilang dito ang Ordinansa Blg. 2012-09, Resolusyon Blg. 098-T’12 o ang ‘Panlalawigang Kautusan na Nagbabawal sa Paggamit ng Non-biodegradable (‘di-nabubulok) Plastic Bags, Styrofoam at mga Kauri nito bilang Packaging Materials sa Lalawigan ng Bulacan at Nagtatakda ng Kaparusahan sa Paglabag Nito’ at Ordinansa Blg. 2012-01, Resolusyon Blg. 036-T’12 o ang ‘2011 Tricycle Code of Bulacan’.

 

 

Aktibo rin siyang nakibahagi bilang miyembro ng Provincial Peace and Order Council, Provincial Disaster Management Council at Legislative-Executive Development Advisory Council. Siya rin ang kinatawan ng SP sa Emilio G. Perez Memorial Hospital Board. Minamahal si Ople ng maraming Bulakenyo dahil sa kanyang kahusayan, katalinuhan, at kabaitan.

 

 

Bago pa man lumala ang kalagayan ni Ople, binisita siya ni Gob. Daniel R. Fernando upang iparating ang kanyang pagdamay at simpatiya sa bokal at pamilya nito.

 

 

Ani Fernando na nagpahayag ng kanyang kalungkutan matapos ang biglaang pagpanaw ni Ople, “Our province lost a good and compassionate leader, and I have lost a dear friend.  He did not only serve as a colleague, siya rin ay naging isang mabuting katuwang at kaibigan, naging magandang halimbawa at inspirasyon hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa lahat ng mga nakapaligid sa kanya. Taos-puso po kaming nakikiramay sa mga naulila ni Bokal Toti.”

 

 

Nakahimlay ang mga labi ni Ople sa Christ the King Parish Greenmeadows sa Quezon City at iuuwi sa kanyang minamahal na bayang Hagonoy sa Linggo, Hulyo 16, 2023.

Other News
  • Canadian tennis star Andreescu target na mahigitan si Williams

    Pangarap ni Canadian tennis player Bianca Andreescu na mahigitan ang record ni US tennis star Serena Williams.   Ayon sa 20-anyos na tennis player na malaki ang pangarap niya gaya ng malampasan ang record ng ilang mga sikat na tennis star na kinabibilangan ni Williams, Chrissy Evert o ang Australian tennis star Margaret Court.   […]

  • Foreign trainer Milan Isakov tinapik ng Chooks 3×3 squad

    Matindi ang pagnanais ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na maabot ang bagong kasaysayan kaya gagawin ang lahat para sa nalalapit na 2023 FIBA 3×3 season na napakahalaga sa kwalipikasyon sa parehong 2024 Paris Olympics at sa Olympic Qualifying Tournament.   Kaya naman kinuha nito ang Liman head trainer na si Milan Isakov para tulungan ang Chooks-to-Go […]

  • ‘Asawa’ na raw ang tawag sa girlfriend: RAYVER, may natagong ipon na para sa dream wedding nila ni JULIE ANNE

    MAY balitang “asawa” na raw ang tawag ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose kaya hinihintay na lang ng JulieVer fans kung kelan magaganap ang kasal.       Balita rin kasi na may natagong ipon na si Rayver para sa dream wedding nila ni Julie.       Inamin naman ni Rayver na […]