• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, nagsagawa ng job at livelihood fair sa Araw ng Kalayaan

LUNGSOD NG MALOLOS – Libu-libong mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga Bulakenyo dahil magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng ‘Job and Business Fair (Local and Overseas)’ sa Bulacan Capitol Gymnasium kahapon Hunyo 12, 2022, ika-9:00 ng umaga kasabay ang pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

 

May temang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”, mahigit 78 employers ang nakiisa na mayroong hatid na 11,000 na bakanteng trabaho bilang bahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Independence Day Fair.

 

 

Hinikayat naman ni muling nahalal na Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na samantalahin ang job and livelihood fair.

 

 

“Sa darating na Linggo ay ipagdiriwang natin ang kasarinlan nating mga Pilipino; ang Araw ng Kalayaan. Kasabay ng araw na ito ay ang pagbibigay sa atin ng oportunidad na malayang mamili ng mga trabaho na aangkop sa ating mga kakayahan. Sana ay huwag ninyo itong palampasin at makiisa para sa pag-unlad na rin ng ating mga sarili,” anang gobernador.

 

 

Samantala, pangungunahan din ni Fernando ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain, ganap na ika-9:00 ng umaga upang gunitain ang ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na nakaangkla sa temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon Ng Panibagong Bukas (Rise Towards The Challenge Of A New Beginning)”. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • 2 kelot na umiwas sa multa, kulong sa droga sa Caloocan

    NABISTO ang dalang mahigit P50K halaga ng shabu ng dalawang lalaki nang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa paglaba sa ordinansa sa Caloocan City.       Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-2) sa 2nd Aveune, Brgy. 120 nang makita nila ang dalawang lalaki na […]

  • SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

    TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.     Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.     Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa […]

  • Tatlong cabinet secretaries, naka- quarantine rin ngayon

    TINATAYANG may tatlong cabinet secretary ang naka- quarantine ngayon.   Ito’y maliban kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo sa Covid -19.   Ang tatlong cabinet secretary ayon kay Sec. Roque ay sina  NTF Deputy Chief Implementer testing czar Sec. Vince Dizon. Si Dizon  ay nakahulubilo ni Sec. Roque dahil magkasama sila sa isang event […]