• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, nagsagawa ng simulation exercise para sa pagbabakuna laban sa COVID-19

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang team nito ang simulation exercise ng COVID-19 vaccination plan sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Ayon sa Bulacan Medical Center (BMC) at Provincial Health Office – Public Health, higit 20 kalahok na hired contact tracers ng DILG ang sumabak sa exercise na ito kung saan sumailalim ang ilan dito sa anim na hakbang kabilang ang Step – waiting area, Step 2 – registration area, Step 3 – counseling area, Step 4 – screening area, Step 5 – vaccination area at Step 6 – observation area.

 

 

Matapos ipakita ang ID para sa pagbabakuna ay binigyan sila ng vaccination card at consent form habang ang pagbabakuna ay ginawa lamang sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

 

 

Bukod sa mga ipinamahaging polyeto, nagpalabas din ng mga audio visual presentation para sa karagdagang impormasyon hinggil sa bakuna para sa COVID-19.

 

 

Paaala ni Gob. Daniel R. Fernando, siguruhin na ang magpapabakuna ay dumating sa tamang oras at petsa ng kanilang iskedyul at sundin ang magkakasunod na hakbang na nabanggit.

 

 

Ani Fernando sa mga Bulakenyo, “kayo po ay aking kinukumbinsi na magpabakuna dahil ang pandemyang ito ay kumitil na ng maraming buhay sa mundo at malaki ang epekto sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa”.

 

 

Aniya, malaki ang maitutulong ng mga padating na bakuna upang mahinto ang pagkalat ng sakit na ito.

 

 

Samantala, kabilang sa unang grupo na babakunahan ay ang mga health care worker at frontliner ng Bulacan Medical Center ito ay matapos makita na ang kahandaan, kapasidad at kakayahan ng lalawigan sa pagbabakuna.

 

 

Nakiisa din sina Dr. Shiela Yu at JayR Carreon ng Department of Health Region 3 sa isinagawang simulation exercises upang magdagdag ng kanilang mga suhestiyon sa lalo pang ikaaayos ng gawain. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinuno ng PNP sa susunod na Administrasyon, kailangang masigurong hindi corrupt at dapat katakutan -PDu30

    KAILANGANG matiyak ng susunod na liderato ng bansa na makapagtatalaga ito ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) na hindi kurakot.     Ang pahayag ng Pangulo, kapag tiwali aniya kasi ang maipupuwesto sa itaas, siguradong hanggang sa ibaba ay magiging corrupt.     Sigurado aniya na magkakanya- kanya na ang mga ito para gumawa […]

  • Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams

    DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro.     Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets.     Matapos kasi […]

  • Ads September 17, 2020