Bulacan, pinaigting ang iwas disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Muling pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang kampanya para maiwasan ang disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon.
Ani Fernando, may inilinyang gawain ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga Bulakenyo.
Kasado na ang Ingat Paputok Campaign Plan ng PCEDO at taunang Oplan Paputok ng PDRRMO kung saan kabilang sa unang isiginawa ng huli ay ang pakikiisa sa motorcade ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Disyembre 15 ng hapon na nagsimula sa Calumpit papuntang Lungsod ng Meycauayan at ang paglalagay ng Ingat Paputok na mga tarpaulin sa pangunguna ng Pyrotechnics Regulatory Board (PRB) at sa pamamagitan ng PCEDO at PGSO sa Biñang at Turo sa Bocaue at sa mga natitira pang munisipalidad sa Bulacan.
Inalerto at magbabantay rin sa loob ng 24 oras ang rescue team ng PDRRMO sa Brgy. Turo, Bocaue simula Disyembre 29, 2021 – Enero 2, 2022 habang magkakaloob naman ng medikal na tulong sa harap ng gusali ng Kapitolyo ang ilang rescuers mula alas-8:00 ng umaga hanggang gabi.
Isasagawa din ng PDRRMO ang pag-iikot sa buong lalawigan mula Disyembre 29 hanggang 31 upang mamahagi ng mga Ingat Paputok na polyeto.
“Batid ko po ang pagnanais ng lahat na magdiwang ng masaya ngayong nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon ngunit nais ko rin lamang po kayong paalalahanan na maging maingat at responsible tayo upang maiwasan ang anumang disgrasya. Let us celebrate safely, use fireworks responsibly,” ani Fernando.
Samantala, nakatakdang mag-inspeksyon sa Disyembre 27 si Fernando sa mga firecracker at pyrotechnics stall sa Bocaue kasama ang PRB, PNP Bulacan Police Office, at media upang alamin kung sumusunod ba ang mga ito sa mga panuntunan.
Mahigpit din ang tagubilin ng punong lalawigan na bantayang mabuti ng mga kinauukulan ang pagbebenta ng mga iligal na paputok sa labas ng firecracker zones na mahigpit na ipinagbabawal at may kaparusahan sa ilalim ng batas.
“Tayong lahat ay magkapit-bisig, sabay-sabay na salubungin ang Bagong Taon na may pag-asang ipagpapatuloy ang pagbangon sa dagok ng kambal na krisis sa pampublikong kalusugan at ekonomiya dulot ng COVID-19”, ani Fernando.
Para sa anumang emergency o sakuna, maaaring tumawag sa 911 o 791-0566 Bulacan Rescue. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ilang major road projects sa Metro Manila, nasa 80% completion na- DPWH
TINATAYANG nasa 80% completion na ang mga Road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang magpapagaan sa daloy ng trapiko sa EDSA at iba pang major roads sa Metro Manila (MM). Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, na ‘as of may 2020’, tinatayang aabot sa 23,657 kilometers na mga bagong tulay […]
-
Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN
ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema. “A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under […]
-
‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay
TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod. Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na maging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28. Ayon […]