• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, tumanggap ng 900 doses ng Sinovac na bakuna

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang maingat na pagpaplano at paghahanda para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III ng 900 doses ng COVID-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong araw.

 

 

Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center kung saan naroon din ang main vaccination site.

 

 

Kabilang sa pangunahing tatanggap ng mga bakuna ang 833 health workers mula sa Bulacan Medical Center kung saan 86% sa kanila ang pumayag magpabakuna habang ang mga natitirang bakuna ay ilalaan sa mga health worker mula sa mga district hospital, at mga empleyado ng Provincial Health Office – Public Health (PHO-PH) at iba pang mga frontliner.

 

 

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na layon ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagbakuna ng 300 indibidwal kada araw.

 

 

“Lahat ng mga plano na inihanda ng ating lalawigan ay unti-unti nang maisasakatuparan. Sa pagdating po ng mga COVID-19 vaccine, inaasahan na makakapagbakuna ng may kabuuang 300 indibidawal bawat araw sa tulong ng ating mga itinalagang vaccination teams. Magtiwala po tayo sa Maykapal at humingi ng gabay para sa kaligtasan at ikabubuti ng ating mga kalalawigan at ng buong bansa,” anang gobernador.

 

 

Magsisimula ang aktwal na pagbabakuna sa Lunes, ika-8 ng Marso, 2021 kaya naman patuloy pa rin ang PHO-PH sa pagsasagawa ng information drive upang hikayatin ang mga Bulakenyo lalo na ang mga health worker at frontliner na magpabakuna.

 

 

Mayroon ding mga itinalagang safety marshal at officers sa vaccination center upang gabayan ang mga indibidwal na magpapabakuna at upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.

 

 

Kamakailan lamang ay bumisita ang mga kinatawan ng Central Luzon Center for Health Development sa lalawigan upang suriin ang vaccination plan na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan at pinuri ang kahandaan nito sa pagdating ng mga bakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mga gumagamit ng ICU beds dahil sa COVID 19, bahagyang tumaas

    BAHAGYANG  tumaas ang gumagamit ng mga ICU beds sa gitna ng patuloy na ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga kaso ng COVID 19.   Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque bunsod  na rin ng mas maraming mga senior citizen, may comorbidities at iba pang mga susceptible individuals ang na-confine sa ICU.   Ani […]

  • Balik-pelikula after na hirangin na National Artist: NORA, excited nang maka-eksena ang kapwa ‘Hall of Famer’ na si ALLEN

    ANG ‘The Baseball Player’ na dinirek ni Carlo Obispo ang isa sa big winners sa awards night ng 18th Cinemalaya na ginanap last Sunday, August 14.   Nagwagi ito ng award for Best Film for Carlo Obispo. Winner din si Carlo ng award for Best Screenplay.   Winner din ang “The Baseball Player” for Best […]

  • Pareho silang naka-relate ni Sunshine sa bagong serye: SNOOKY, inaming na-trauma nang pinilit pasuotin ng puting kamison

    KAPWA naka-relate sina Snooky Serna and Sunshine Cruz sa mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime series na ‘Underage’ dahil may eksena sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes na nakaputing kamison sila sa isang eksena.     Nakaranas ng magkaibang experience sina Snooky at Sunshine noong pasuotin sila ng puting kamison sa pelikula […]