• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas

KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool na may protective gear sa kanang tuhod dahil nag-injury aniya siya sa ensayo ng kanyang PBA team.

 

“Natamaan sa praktis,” matipid na paliwanag ng 38-anyos, may taaas na 6-4 at tubong Pozzorubio, Pangasinan na basketbolista.

 

Nagpaalam na rin aniya siya kay Gilas interim coach Mark Dickel na hindi muna makakapagg-eensayo sa pool. Si Dickel ang Talk ‘N Text active consultant sa PBA rin. Pero naroon siya sa Meralco Gym sa pasig City, umaayuda kina Dickel at sa coaching staff sa ensayo ng iba pang mga nasa pool gaya nang mag-utol na Kiefer Isaac at ferdinand Ravena III.

 

Mapapasabak ang Pinoy quintet sa Pebrero 20 para sa unang laro sa first window ng Asia Cup qualifiers, Pagkakaabalahan ng laban kontra Thailand sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Darayuhin pagkaraan ng tatlong araw sa Jakarta upang upang makatuos naman ang Indonesia, sa maigsi nang panahon at sa iniinda, aminado hindi na nga makalalaro ang beterano ng Gilas. Pero bukas aniya ang pinto niya siya kahit anong paraan para makatulong, maski sa sidelines. Malaking bagay ang kaalaman Ping sa depensa at pagka-beterano para sa mga batang nasa pool. E ang mapasama kaya sa coaching staff?

 

“Kahit ano, playing-coach, coach, player. Basta para sa bayan, gagawin natin,” panapos na bigkas Pingris.
Saludo sa iyo brod.

Other News
  • PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary

    MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).     Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac.     Ipinagpaliban naman ng […]

  • Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG

    MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics.   Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo […]

  • Habang nanonood ng live sa ‘Eat Bulaga’: BIANCA, ‘di malilimutan ang sandali na makitang nag-e-enjoy ang kanyang lola

    HINDI malilimutan ni Bianca Umali ang sandali na makita na nag-e-enjoy ang kanyang lola na si Mama Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga na live sa APT Studios sa Cainta, Rizal.     Guest host sa longest-running noontime show ang Sparkle couple na sina Bianca at kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.     At nitong weekend […]