• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, tumanggap ng P175M na ayuda mula sa DA para sa binhi at pataba

LUNGSOD NG MALOLOS– Inihatid ni Kalihim William D. Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakahalaga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Damage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng Bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

 

Ito ay matapos personal na bisitahin ang mga apektadong bukirin partikular na sa Pulilan-Baliwag Bypass Road kasama sina Gob. Daniel R. Fernando, DA Asec. Noel Reyes, DA Regional Director Crispulo Bautista, RFO-III, Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo, mga agrikulturista ng mga bayan at pinuno ng mga magsasaka.

 

“We are giving the province this assistance pero posible pa itong madagdagan depende sa magiging resulta ng assessment sa mga susunod na araw. Aside from this, may ayuda rin tayo, maagang pamaskong handog na P5,000 cash sa lahat ng rice farmers na nagsasaka ng isang ektarya pababa, gayundin sa mga non-rice farmers, ito ‘yung mga nagtatanim ng mais, niyog, tubo at mga mangingisda mula sa Bayanihan 2,” ani Dar.

 

Sinabi rin ng kalihim sa mga magsasaka na maaari pa rin silang mangutang ng halagang P25,000 na walang tubo at pwedeng bayarang sa loob ng 10 taon.

 

Mula sa inisyal na pagtataya, ibinahagi ni Fernando na sa kasalukuyan, bagaman apektado ng Bagyong Ulysses ang lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan, ang mga bukirin sa una at ikalawang distrito ang pinaka nasalanta.

 

“Marami po ang nasira at itong mga nasirang ito ay malaking bagay para sa mga Bulakenyo, pagkain po ito ng Bulacan. Sabi ng ating PDDRMO may mga bagyo pang darating, talaga pong sabay-sabay, nandyan pa ang pandemya.

 

This is a challenge for us pero naniniwala ako na makakaahon tayo basta tulung-tulong,” ani Fernando. Idinetalye naman ni Carrillo na ayon sa mga tala, ang standing crop para sa palay ay tinatayang nasa 10k hanggang 12k ektarya na nasa reproductive at maturity stage para sa wet season at tinatayang nasa 5k ektarya na mga bagong tanim para sa dry season.

 

Ang standing crop para sa lowland na mga gulay ay tinatayang nasa 1,000 ektarya. “These are initial data as damage reports are still underway and actual situation will be seen after 3 to 4 days when floods have subsided,” paliwanag ni Carrillo.

 

Gayundin, sinabi ni RD Bautista na maaaring ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may mga alagang livestock na namatay dahil sa bagyo upang maisama sa kanilang recovery plan.

 

Samantala, ibinalita naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Director Wilfredo Cruz, RO-III na sa Rehiyon III, tinatayang nasa 7,500 metric tons ng bangus na nagkakahalaga ng P600M ang nasalanta habang halagang P100M ng bangus fingerlings ang namatay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, nag-donate ng P80.9M para sa AFP hospital sa Zamboanga City

    TINURN-OVER ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P80.9-million na halaga ng tseke sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) mula sa Office of the President (OP).     Ang P80.9 million donation ng Pangulo ay gagamitin para bumili ng mga gamit para sa operating room ng ospital, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang kagamitan. […]

  • Mabahong amoy na itinatapon sa estero ng isang kilalang unibersidad, inireklamo ng isang barangay sa Maynila

    NASA mahigit 300 pamilya ang apektado sa mabaho at nakasusulasok na amoy na nagmumula sa Estero De Sa Antonio Abad na matatagpuan sa kahabaan ng Barangay 178 sa Malate, Maynila.     Ayon kay Barangay Chairman Mark Delfin, ang mga residente sa lugar ay nahihirapang makatulog ng mahimbing dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa […]

  • US Sec. of State Blinken nasa Australia para patatagin ang relasyon sa mga Asia-Pacific allies

    NASA Australia ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa Asia-Pacific allies.     Isa sa posibleng tatalakayin nito ay ang patuloy na pagpapalakas ng China ng kanilang militar.     Kabilang sa pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng Japan, Australia at India.     Itinaguyod noon pang 2007 ang Quadrilateral […]