• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEPRESYON AY KAMATAYAN

NITONG nakalipas na linggo, halos sunud-sunod ang naiulat na kaso ng pagpapakamatay na kabilang sa pinakahuling naitala ay ang estudyanteng lalaki na tumalon mula sa pinakatuktok ng gusali ng isang city hall.

 

Tulad ng inaasahan, mabilis na kumalat ang balita sa pamamagitan ng social media kung saan bukod sa mga larawan ay may video pa ng insidente na nagpasalin-salin sa iba’t ibang account ng mga tao.

 

Sa huling pag-aaral ng World Health Organization (WHO), isang tao umano ang nagpapatiwakal kada 40 segundo at isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng depresyon sa Southeast Asia, isa sa mga nakaaapekto sa halos tatlong milyong Pinoy na nauuwi sa suicide.

 

Nakapanlulumo at sobrang bigat sa pakiramdam na habang may ibang nakikipaglaban para mabuhay ay meron namang tila ganu’n lang kadaling isuko ang buhay.

 

Kaya patuloy ang panawagan mula sa mga awtoridad hanggang sa ating simpleng mamamayan, lalo na tayong mga magulang, bigyan natin ng pansin ang ating mga anak. Alamin natin ang mga senyales na posibleng dumaranas na sila ng depresyon. Kumustahin natin sila.

 

Ganundin, bilang kaibigan, maglaan tayo ng oras para sa kakilalang nangangailangan ng makakausap, mapaghuhugutan ng lakas ng loob, magpapaunawa na kahit gaano kahirap o kagulong mabuhay, biyaya pa rin ito na minsang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

 

At sa‘yo na gusto nang sumuko sa buhay at nakakaisip nang magpakamatay, maraming salamat dahil nariyan ka pa rin at lumalaban. Kung pakiramdam mo, iniwan ka na ng lahat, may ‘Hopeline’, ‘ika nga, one call away lang, pakikinggan, papayuhan at tutulungan ka nila, anuman ang iyong pinagdaraanan.

 

Pahalagahan natin ang buhay, napakaraming bagay ang kaya nitong ibigay, huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Other News
  • LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye

    SA La Union nagbakasyon  noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs.      Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na […]

  • Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

    INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.   Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]

  • PTFOMS, tinukoy ang 100% media violence resolution sa ilalim ni PBBM

    BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag.     Tinukoy ang 100% na case resolution ng karahasan laban sa mga […]