BULAKENYO TAEKWANDO MEDALISTS
- Published on April 4, 2024
- by @peoplesbalita
SINA Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga Bulakenyong nagkamit ng medalya sa Taekwondo sa ginanap Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon, na nagwagi ng 13 medalya sa 6th Heroes Taekwondo International Championship 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Hulyo 2023, at 12 medalya sa Bangkok KPNP Open International Taekwondo Championship noong Nobyembre 2023. Kasama rin nila sina (mula kaliwa) Nanunuparang Pinuno ng Provincial Youth and Sports Development Office Abgd. Nikki Manuel Coronel, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette Constantino, at mga Bokal Romina Fermin at Liberato Sembrano.
-
PDu30, handang mag- isyu ng Executive Order para alisin ang sagabal sa pagbili ng Covid vaccine ng mga nasa LGU
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpalabas ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa LGU sa pagsunod sa procurement law. Ito’y bunsod na rin ng hirit ng mga nasa Local Government na humihiling ng EO dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine. […]
-
Libo-libong mga magsasaka sa Bicol natanggap na ang P24.4M halaga ng indemnity checks mula sa PCIC
Natanggap na ng libo-libong mga magsasaka sa Bicol Region na naapektuhan ng bagyong Kristine ang P24.4M na halaga ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corp. Ang naturang korporasyon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture. Nanguna si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pamamahagi ng naturang […]
-
Fil-Canadian tennis player Leylah Fernandez pasok na sa semis ng US Open
Pasok na sa semifinals ng US Open si Filipina-Canadian Leylah Fernandez. Ito ay matapos na talunin si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa score 6-3, 3-6, 7-6 (5). Magugunitang tinalo ni Fernandez sa mga unang round ng torneo ang top seed players gaya nina Naomi Osaka at Angelique Kerber. […]