Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatomagmatic eruption – Phivolcs
- Published on October 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ng phreatomagmatic eruption ang Phivolcs sa Taal Volcano bandang alas-4:21 nitong Miyerkules ng hapon.
Ito ay mas malakas na pagsabog na maaaring maglabas ng malaking volume ng volcanic materials.
Inaalam pa ang ibang detalye ng nasabing development.
Una rito, limang phreatic eruption events ang Phivolcs sa Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Ang steaming plume nito ay may 2,100 metrong taas.
Katamtamang pagsingaw na ito at napadpad sa hilagang-silangan at silangan-hilagang-silangan ng bulkan na matatagpuan sa Batangas.
Maliban dito, mayroon ding anim na volcanic tremors, kung saan 2-10 minuto ang itinagal ng mga ito.
Ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) naman ay umabot sa 1,354 tonelada / araw.
Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na indikasyon ng patuloy na abnormalidad.
Nakitaan din ng ground deformation ang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.
Nananatili naman ito sa alert level 1 at posible pang masundan ang naturang volcanic activity. (Daris Jose)
-
‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki
MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca. Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]
-
Japan, magpapalabas ng karagdagang 20 billion yen loan para sa PH COVID-19 response
PINAG-USAPAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, araw ng Miyerkules ang napipintong pagpapalabas ng JY20 billion ( P9 billion) Post-Disaster Standby Loan sa Pilipinas, ang kalagayan ng subway at railway projects sa Metro Manila at ang agresibong aksyon ng China sa South China Sea. Ayon sa overview na ibinigay […]
-
DSWD, nagpaabot ng paunang tulong sa pamilya ng nag-viral na sampaguita vendor
NAGBIGAY ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng nag-viral na babaeng college student na inatake ng security guard sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City. Sa naging kautusan na rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, personal na iniabot ni Assistant Secretary Irene Dumlao ang P20,000 kay Judith, ina […]