• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd

ILULUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre.

 

 

Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa Sarili), KasamaKayo (Adbokasiya para sa Kapwa), at KasamaTayo (Adbokasiya Tungo sa Pagbabago).

 

 

“This program aims to recognize schools that deliver positive results for the learners’ well-being. Schools will be assessed based on criteria aligned with the Child Protection Policy Implementation Checklist, principles and objectives of a child-friendly school, focusing on child’s rights, health, protection, and learners’ participation,” nakasaad sa issuance.

 

 

Dagdag pa ng DepEd, titiyakin din ng anti-bullying advocacy ang functionality ng child protection committees (CPC); hikayatin ang mga eskuwelahan na bumuo ng kanilang mga lokal na patakaran sa proteksyon ng bata; at bigyang inspirasyon ang mga miyembro ng CPC at ang mga guro na malaman ang Child Protection Policy at ang kanilang tungkulin bilang mga tagapag-alaga at katuwang tungo sa pag-unlad nito.

 

 

Layunin din ng CPU initiated-program na iangat ang moral at motibasyon ng mga guro, pakilusin ang suporta ng komunidad para sa edukasyon, at isulong ang learner empowerment at youth participation sa pagtataguyod para sa kanilang mga karapatan at proteksyon.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 1, 2020

  • Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr

    Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero.     Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV.     Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang […]

  • Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30

    TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.   Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na […]