• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang

MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson.

 

 

Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.

 

 

Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa best record sa NBA at Western Conference.

 

 

Nawala sa eksena ang five-time All-Star guard nang magkaroon ng ACL injury sa kaliwang tuhod sa Game Six ng 2019 NBA Finals kontra sa Toronto Raptors at torn right Achilles tendon noong Nobyembre ng 2020.

 

 

Ginulat ni Thompson ang lahat nang isalpak ang isang one-handed dunk na sinundan ng isang triple para sa 49-41 abante ng Golden State sa Cleveland (22-18) sa second period.

 

 

Naglista si Stephen Curry ng 29 points, 5 rebounds at 5 assists at may 14 markers si Jordan Poole para sa Warriors.

 

 

Sa Los Angeles, nag­lista ang Memphis Grizzlies (28-14) ng franchise record na siyam na sunod na pananaig matapos kunin ang 127-119 panalo sa Lakers (21-20).

 

 

Tumipa si Desmond Bane ng 23 points at may 21 at 16 markers sina Jaren Jackson Jr. at Ja Morant, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 22 points, 14 rebounds at 14 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa season sa 113-99 pagdaig ng Ma­vericks (22-18) sa Chicago (26-11).

 

 

Itinala ng Dallas ang kanilang season-best na anim na sunod na arangkada at pinigil ang nine-game winning streak ng Chicago na namumuno sa Eastern Conference.

 

 

Sa New York, ipinasok ni rookie Cam Thomas ang isang runner sa huling 1.4 segundo sa overtime sa 121-119 paglusot ng Brooklyn Nets (25-13) sa San Antonio Spurs (15-24).

 

 

Tinapos ng Nets ang kanilang five-game home losing skid.

 

 

Sa iba pang laro, dinaig ng LA Clippers ang Atlanta Hawks, 106-93; nanalo ang Minnesota Timberwolves sa Houston R­ockets, 141-123; wagi ang Portland Trail Bla­zers sa Sacramento Kings 103-88; tinalo ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder, 99-95; lusot ang Toronto Raptors sa New Orleans Pelicans, 105-101; at binigo ng Wa­shington Wizards ang Orlando Magic, 102-100.

Other News
  • James Bond 26 Will Be A Reinvention After Daniel Craig’s Exit

    LONGTIME James Bond producer, Barbara Broccoli, explains that the iconic 007 spy will be reinvented following Daniel Craig’s exit in No Time to Die.     Originally created in 1953 by author Ian Fleming, James Bond charmed audiences around the world in his first feature film Dr. No in 1962, starring Sean Connery as the captivating 007. The franchise eventually […]

  • Ads February 4, 2020

  • Pingris binigyang pugay!

    Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA.     Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots.     Isa si Pingris sa itinutu­ring […]