• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bunga ng ‘disiplina at focus’ at siya rin ang nag-design: MARK, ‘di na makapaghintay na lumipat sa dream house niya

MASAYA ang singer na si Mark Bautista dahil 98% na raw tapos ang kanyang pinapagawang bahay.

 

 

 

Hindi na raw siya makapaghintay na lumipat sa kanyang bagong bahay na bunga ng “disiplina at focus.”

 

 

 

Noong 2021 sinimulan ang construction ng kanyang dream home at lahat daw ng ginamit at ilalagay sa kanyang bahay ay siya mismo ang namili.

 

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, tapos ng kursong architecture si Mark at siya mismo ang nag-design ng kanyang matagal nang pangarap na bahay.

 

 

 

Sa tulong na rin ng kanyang show sa GMA na All-Out Sundays, kahit na nagkaroon ng pandemya ay nakapag-ipon si Mark na siyang malaking tulong sa kanyang house project.

 

 

 

Kulay puti ang dominant color sa stylish house ni Mark. Pinaka-paborito raw niya ay ang terrace kunsaan may magandang view ng nature. Magandang tambayan daw ito para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMING netizens ang kinilig sa heartwarming message ng aktor na si Jason Abalos sa kanyang fiancée na si Vickie Rushton at sa kanilang magiging mga anak.

 

 

 

Pinost ni Jason ang naturang mensahe sa kanyang Instagram account sabay sa pag-upload niya ng pre-nuptial photo shoot nila ni Vicki sa Farm Ridge sa Pantabangan, Nueva Ecija.

 

 

 

Mensahe ni Jason: “Sa aming magiging mga anak. Sa lugar na ito kami nangangarap na magpatayo ng bahay para sa inyong paglaki at dito rin kayo matututo sa buhay, maglalaro kasabay ng mga alagang hayop.

 

 

 

“Madalas uupo lang tayo at magku-kwentuhan habang kami ng mommy n’yo ay nagkakape at patuloy na magpapasalamat sa ating Panginoon sa buhay na kanyang ibinigay sa atin. ‘Yong Vespa mahaba-habang usapan pero malamang isa sa inyo ang magmamana :)”

 

 

 

Mas mapapadalas na ngayon si Jason sa Nueva Ecija dahil nanalo siya bilang board member noong nakaraang eleksyon. Kaya mukhang mas bibigyan muna niya ng priority ang pagiging public servant kesa sa showbiz career niya.

 

 

 

***

 

 

 

PERSONAL na tinutulungan ngayon ni Iron Man star Robert Downey Jr. ang aktor na si Armie Hammer pagkatapos na masangkot ito sa matinding kontrobersya na ikinabagsak ng career nito.

 

 

 

Pinasok ni Downey si Hammer sa Guest House treatment center in Silver Springs, Florida na isang rehab facility para sa mga clients with high-stress or high-visibility lifestyles such as business executives, politicians and entertainment professionals.

 

 

 

Binayaran ng Marvel actor ang six-month stay ni Hammer sa naturang facility.

 

 

 

Nasangkot sa isang sex scandal si Hammer na ikinasira ng kanyang pamilya. Nakipaghiwalay sa kanya ang misis na si Elizabeth Chambers at dinala nito ang kanilang mga anak.

 

 

 

Sinundan ni Hammer ang kanyang estranged wife sa Cayman Islands kunsaan nagtrabaho siya bilang timeshare salesman sa isang resort.

 

 

 

Nung masangkot ang aktor sa isang rape scandal noong March 2021, nawala lahat ng mga projects nito for film and television.

 

 

 

Bukod sa sex scandal, naging alcoholic si Hammer kaya pinasok siya sa rehab ni Downey. Na-bankrupt din daw ang aktor kaya nagtrabaho ito bilang salesman.

 

 

 

Ayon sa Variety: “He is working at a cubicle. The reality is he’s totally broke, and is trying to fill the days and earn money to support his family.”

 

Ngayon ay pati pamilya ni Hammer ay tinutulungan ni Downey. Pinatira niya ang misis at mga anak ni Hammer sa isang bahay niya sa Los Angeles. Doon daw muna sila habang gumagawa ng paraan si Elizabeth na maayos ang buhay niya at ng mga anak nila ni Hammer na sina Harper Grace (7) and Ford Douglas (5).

 

 

 

Huling napanood si Hammer sa pelikulang Death On The Nile, pero di siya pinag-promote ng movie dahil sa naging iskadalo sa kanya.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP

    Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic.     Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara […]

  • Madaling mag-fall dahil sa pag-i-internalize sa role: KELVIN, inamin na nagkaroon ng feelings para kina MIKEE at BEAUTY

    INAMIN ni Kelvin Miranda na mabilis siyang mag-fall sa mga leading lady na nakaka-trabaho niya. Ayon kay Kelvin nang makausap namin sa Coffee Project Wil Tower branch, “Nagkaroon din ako ng problema sa ‘Lost Recipe’, dahil nagkaroon din ako ng feeling with Mikee (Quintos), hindi ko alam kung totoo o hindi.” Ganito rin ang naramdaman […]

  • 300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case

    AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).   Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.   Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga […]