• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Text msgs na naghihikayat sa publiko na magpabakuna na, hindi galing kay PDu30, mayor sara- Sec. Roque

PINABULAANAN ng Malakanyang na ito ang nasa likod ng di umano’y text messages mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna na laban sa Covid-19.

 

May ilan kasing Filipino ang nakatanggap ng text messages mula sa “unknown numbers” na hinihikayat ang mamamayang filipino na magpabakuna na.

 

Ang text message ay mayroon pang “from President Duterte at Mayor Sara Duterte #SafePilipinas #SafeDavao.”

 

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi rin nanggaling sa kanyang tanggapan ang nasabing text messages sa kabila ng kinikilala nito na si Pangulong Duterte ay “best communicator” para tulungan na mapalakas ang vaccine confidence sa mga Filipino.

 

“Ako po ‘yung in charge sa communications pagdating po sa bakuna and I can say na bagamat ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpakalat ng ganyang text ,” ani Sec. Roque.

 

Nito lamang araw ng Miyerkules ay lumabas sa isang government infomercial si Pangulong Duterte kung saan iniimbitahan ang mga Filipino na magpabakuna laban sa Covid-19, binigyang diin ng Chief Executive na ito ang susi para matalo ang pandemiya.

 

“I invite all our kababayans to be vaccinated at the earliest possible opportunity because this is the most, if not the only way, effective way to defeat Covid-19 pandemic,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang two-minute commercial.
Pinaalalahanan nito ang publiko na magpabakuna na para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga mahl sa buhay.

 

“Let us all keep in mind that the vaccine will not only protect you from the virus, it will also protect your loved ones, especially the sick and elderly,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • PBA balik-aksiyon na sa Araneta

    Mga laro : (Araneta Coliseum) 3:00 pm – Meralco vs NLEX 6:00 pm – Magnolia vs TNT     ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito […]

  • BEA, sasagutin ang ilan sa mga pinakamahihirap na tanong sa ‘TBATS’; guestings muna habang hinihintay si ALDEN

    SIMULA na ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ng pagtatrabaho sa GMA Network, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract  last July 1.      Miss na rin daw magtrabaho ni Bea after nilang bumalik sa short US vacation kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.     Kaya humanda na sa good vibes […]

  • Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na

    SIMULA  sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa.     Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng […]