• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity

ISINAILALIM ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa.

 

Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao.

 

Ang  State of Calamity ay naglalayong payagan ang local officials na gamitin ang kanilang   emergency funds at magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.

 

“Last night I think I signed the proclamation,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.

 

Ginawa ng Chief Exevutive ang deklarasyon matapos na lumipad tungo sa Cagayan Valley region, kung saan ang weather disturbances at ang malaking pagpapakawala ng tubig mula sa dam ay pinaniniwalaang nakaapekto sa libong pamilya doon.

 

May ilang nananatili sa kanilang bubungan para makatakas sa 2-storey high floods.

 

Nauna rito, inirekomenda ng  Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  kay Pangulong  Duterte na isailalim sa State of Calamity ang buong Luzon.

 

Ito ay matapos ang sunud-sunod na paghagupit ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa Luzon.

 

Ayon kay NDRRMC Exe­cutive Director Ricardo Jalad, nagsagawa ang NDRRMC ng emergency meeting kanina at pinag-usapan ang rekomendasyong state of calamity sa Luzon.

 

Layon nilang matutukan ang epekto na iniwan ng mga magkakasunod na bagyo.

 

Sinabi pa ni Jalad na napag-usapan din sa pagpupulong na mag-convene ang Technical Working Group para sa gagawing joint prevention, mitigation at paghahanda ng mga clusters ng NDRRMC para i-assess ang sitwasyon ng mga dam.

 

Bukod dito, kailangan din muling bisitahin ang historical data para makapaghanda kapag may bagyo, gayundin ang tulong sa mga magsasaka, mangingisda at mga nawalan ng kabuhayan at tirahan.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa NDRRMC chairperson na inatasan niya ang PAGASA na bisitahin ang lugar upang mas mapabuti pa ang sistema sa pagbibigay ng warning hinggil sa pagdating ng bagyo. (Daris Jose)

Other News
  • Nagsimula sa pagganap niya ng ‘Darna’: NANETTE, inaming naging very conscious sa mga gagawin dahil sa pagiging role model

    IBANG klase talaga si Tito Boy Abunda.     Sino kasi ang mag-aakalang matapos ang maraming taon ng pananahimik at pagtalikod sa showbiz ay magagawa ni Tito Boy na mai-guest sa show niya ang nag-iisang Nanette Medved!     Aminin, idolo ng marami si Nanette, lalo na ng mga kabadingan lalo pa noong gampanan niya […]

  • CASTMATES AND FELLOW FILMMAKERS RAVE ABOUT DEV PATEL IN HIS DIRECTORIAL DEBUT “MONKEY MAN”

    Oscar® nominee Dev Patel (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) achieves an astonishing, tour-de-force feature directing debut with an action thriller about one man’s quest for vengeance against the corrupt leaders who murdered his mother and continue to systemically victimize the poor and powerless, in “Monkey Man.” Watch the trailer: https://youtu.be/L-Sc3Hzw_a4?si=gFIOLaZR4o3j5cvb The film, certified Fresh on review aggregator Rotten Tomatoes, has been […]

  • Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round

    WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo.     Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon […]