SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto.
“Let’s just say that the appointment to the post is a matter of trust and confidence. And he is, for the moment, the most trusted by the President. So let’s leave it at that,”ayon kay Sec. Roque.
Nauna rito itinalaga na ni Pangulong Duterte si Sinas bilang bagong PNP Chief.
Si Sinas ay naging kontrobersiyal matapos taguriang mañanita cop.
Nauna rito, inanunsyo ni Sec. Roque, na nagsimula sa kanyang bagong posisyon si Sinas kahapon, November 10, kasabay ng pagbaba sa puwesto ni outgoing PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan na nagretiro na.
Aniya, kung ang seniority ang susundin o ang rule of succession, si PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang number two man ng PNP.
Samantala, napaulat na posibleng ang magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987 na sina Police Lt. General Guillermo Eleazar, na kasalukuyang commander ng Joint Task Force Covid Shield, at National Capital Region Police Offcie (NCRPO) Police Major General Debold Sinas ang maaring mapagpilian bilang susunod na PNP chief.
Si Eleazar ay mahigit isang taon pa sa serbisyo at nakatakdang magretiro sa Nobyembre 2021 habang si Sinas naman ay magreretiro sa Mayo 2021.
Samantala, hindi titigil ang pamahalaan sa laban nito sa iligal na droga at isulong pa ang mga tagumpay na una nang nakamit ng Philippine National Police (PNP) sa larangan ng kaayusan at kapayapan.
Nais din aniya ng Chief Executive na manatili at isulong pa ang pagkakaroon ng peace and order sa bansa, na napatunayan na aniya sa pinakahuling survey ng Gallup, kung saan lumalabas na ang Pilipinas ay pang-12 sa mga pinakaligtas na bansa mula sa 144 countries.
Sa kabilang dako, nakiusap naman si Sec. Roque sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Sinas na gampanan ang kanyang bagong tungkulin sa kabila ng kontrobersiya nitong kinasangkutan dahil sa Mañanita, ayon sa kalihim, maiging bigyan ng pagkakataon si Sinas. (DARIS JOSE)
-
Sa kabila ng nangyaring hiwalayan: SUNSHINE, nagpakatotoo sa pagsasabing mahal pa rin niya ang asawa
NAGPAKATOTOO lamang si Sunshine Dizon sa pagsasabing mahal pa rin niya ang mister niyang si Timothy Tan sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinagot ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Timothy, at kung mahal pa niya ito. “To be […]
-
Libreng sakay sa rail lines sa mga may bakuna
Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na may libreng sakay ang mga fully vaccinated na sasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR). “The DOTR is offering the free rides beginning August 3 until August 20,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade. […]
-
DOH: Pareho ang protocol ng mga ospital para sa confirmed, probable/suspect COVID-19 cases
NILINAW ng Department of Health (DOH) na pareho lang ang protocol na ipinatutupad sa mga probable at suspected COVID-19 cases, tulad ng ginagawa sa mga confirmed o positibong kaso ng sakit. Pahayag ito ng kagawaran sa gitna ng mga ulat na may ilang pamilya raw ang kumwestyon sa responde ng mga doktor sa kanilang […]